272 total views
June 4, 2020, 11:11AM
Ipinapanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Migrants Ministry ang katiwasayan at pagkakaisa sa Estados Unidos na kasalukuyang nakararanas ng kaguluhan dulot ng hindi pagkakapantay-pantay.
Dalangin ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, na manaig ang katarungang panlipunan at katarungan ng bawat mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya at lahing pinagmulan.
“Here, especially CBCP-ECMI, is praying for you all that peace reigns, harmony and unity come, and justice and order prevails,” pahayag ni Bishop Santos.
Ito ay kaugnay sa kabi-kabilang kilos protestang nauuwi sa karahasan sa Amerika dahil sa pagkakapaslang ng isang pulis kay George Floyd noong ika – 25 ng Mayo sa Minneapolis dahil sa isang simpleng paglabag sa batas.
Sa kumalat na video sa internet, makikitang niluhuran ng isang pulis sa leeg si Floyd habang umapela ang biktima na hindi makahinga.
Kaugnay sa nagaganap na kaguluhan umapela si Bishop Santos sa mga Filipino sa Amerika na manatiling kalmado, magmalasakitan at at pagaanin ang kalooban ng kapwa.
“We appeal to our fellow Filipinos there to remain calm, caring and conciliatory. Yes, we speak. Let our words bring out healing, not division; about truth, not to instill fear; inspire helps, not to hurt. Yes, we stand and make stand,” dagdag ng opisyal.
Sinampahan na ng kasong second-degree murder ang pulis na si Derek Chauvin.
“As God fearing people, we side with God’s tenets of protection and preservation of human life; respect of human dignity and salvation of all,” saad ni Bishop Santos.
Naunang nagpaabot ng panalangin si Pope Francis sa kapayapaan sa Amerika at pagkakamit ng katarungan ni Floyd kasama ang buong simbahang katolika sa Estados Unidos.
Hinimok ni Bishop Santos ang mga Filipino Chaplains sa ibayong dagat na paigtingin ang pangangalaga sa mga Overseas Filipino Worker kabilang na ang mga dayuhang migrante para sa kapayapaan at tuluyang mawakasan ang karahasang nagaganap sa Estados Unidos.
“We appeal to our Filipino chaplains for the pastoral care of OFWs here and abroad, land or sea-based to offer Holy Masses, to pray with their co-nationals in their chaplaincies for peace, end to violence and healing in USA,” apela ni Bishop Santos.