Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kabataan at senior citizens, hinikayat na maging ‘Spiritual frontliners’

SHARE THE TRUTH

 295 total views

June 9, 2020-12:30pm

Maging bahagi ng Spiritual frontliners ng simbahan para labanan ang patuloy na panganib sa lipunan dulot ng novel coronavirus.

Ito ang paanyaya ni Renee Jose-in charge ng Religious Department ng Radio Veritas lalu na sa mga senior citizen at kabataan na hindi nakakalabas ng kanilang tahanan na maging spiritual warriors sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin bilang sandata at prokteksyon laban sa nakakahawang sakit.

“We are the prayer warriors of our time hindi naman kasi tayong lahat nakakalabas to fight covid-19 lalung lalu na po ung mga nasa senior years na po e talagang nasa bahay lang po,” ayon kay Jose.

Dagdag pa ni Jose na malaking tulong rin sa mga mananampalatayang katoliko ang ginaganap na misa sa radio, telebisyon at online upang magiging matatag sa panahon ng krisis na dulot ng pandemya.

Nagpapasalamat din ang Radyo Veritas sa mga pari na bahagi sa pagdaraos ng misa sa himpilan na mapapakinggan sa radyo at mapapanood sa Veritas846.ph.

Paliwanag ni Jose, dahil sa pakikinig sa on-air at online masses gayundin ang mga on-line recollection ay nagkakaroon ng masasandigan ang publiko sa nararanasang pagkabagot at agam-agam dahil na rin sa lockdown policy sanhi na rin ng nakakahawang sakit.

“Pero through listening to Radio Veritas sa mga streaming po, sabi nga nila it’s keeping them sane,” dagdag pa nito.

Nagpapasalamat din ni Jose sa mga prayer warriors na bukod sa pagdarasal ay nagbabahagi rin ng tulong upang patuloy na maisagawa ang misa na naghahatid ng kaginhawahan at naghahatid ng pag-asa sa mga mananampalatayang nababalisa dulot ng pandemya.

Sa mga nais na magbigay ng tulong tumawag lamang sa telepono bilang 8925-7931 hanggang 43 local 129 o di kaya sa 0917-631 4589 at hanapin lamang si Renee Jose.

Ang on-air at online mass ay mapapakinggan tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali at alas-6 ng gabi.

Mula sa nakagawiang Healing Mass On-Air tuwing alas-12:15 ng tanghali ay ginawang tatlong beses sa isang araw ang misa sa Veritas Chapel dulot na rin ng pagbabawal sa pampublikong misa sa mga Parokya simula noong Marso.

Sa kasalukuyan ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng General Community Quarantine na bagama’t pinapayagan ang misa sa Parokya ay limitado lamang ito sa 10-katao.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 50,764 total views

 50,764 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 65,420 total views

 65,420 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 75,535 total views

 75,535 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 85,112 total views

 85,112 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 105,101 total views

 105,101 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Kahinahunan, panawagan ng Obispo sa nagbabangayang Pangulong Marcos at VP Duterte

 286 total views

 286 total views Nananawagan ng kahinahunan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, kaugnay na rin sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa ilang pinuno ng pamahalaan, kabilang na ang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ikinagulat din ng obispo, ang mga binitawang salita ng bise presidente na aniya’y hindi naaakma sa isang mataas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagpapanatili ng Rule of Law, panawagan ni Pangulong Marcos Jr., sa banta ni VP Duterte

 509 total views

 509 total views Nagsalita na rin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pahayag ni Vice-President Sara Duterte. Sa talumpati, binigyang-diin ng Pangulong Marcos, ang kahalagahan ng Rule of Law at ang pagtutol sa anumang uri ng karahasan o pagbabanta, kahit pa ito’y galing sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan. “Ito ay hindi dapat palampasin. Ang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Set aside politics, panawagan ni Archbishop Jumoad sa nagbabangayang pulitiko

 533 total views

 533 total views Nanawagan si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis sa mga lider ng pamahalaan na itigil ang labis na pulitika at ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa taumbayan. Sa panayam ng Radyo Veritas, hinimok niya ang mga opisyal na gampanan ang kanilang tungkulin nang may dignidad at integridad upang maabot ang tunay na pag-unlad

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

 1,900 total views

 1,900 total views Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ng Pangulo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 3,309 total views

 3,309 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 3,434 total views

 3,434 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 5,095 total views

 5,095 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 6,232 total views

 6,232 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 7,282 total views

 7,282 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 6,629 total views

 6,629 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 11,146 total views

 11,146 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 6,831 total views

 6,831 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 8,031 total views

 8,031 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 8,554 total views

 8,554 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 9,266 total views

 9,266 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top