301 total views
July 10, 2020-1:05pm
Pananakot at pagpapatahimik sa kanyang mga kritiko ang nanatiling paraan ng pamumuno ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs, ito rin ang nagiging hadlang sa pangulo na makita at maipatupad ang mga programa na mas kinakailangan ng publiko.
“As president, 3. His main weapon is to instill fear. A vindictive one which clouds his better judgment of seeing the bigger picture on what’s best for the country. He exudes propensity to arrogate power unto himself which clearly violates our long-held adherence to democratic ideals,” ayon kay Fr. Secillano.
Mula sa gradong 1 hanggang 10-na ang pinakamataas ay 10, binigyan ng pari ng markang 3 ang Pangulong Duterte sa kanyang pamamahala sa gobyerno.
Sa huling Lunes ng Hulyo, inaasahan ang ika-4 na pag-uulat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa bayan at ang ikaapat na taon ng kaniyang panunungkulan bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Sa kabila ng krisis, umani rin ng batikos mula sa iba’t ibang grupo ang paglagda ng Pangulong Duterte sa anti-terrorism law na pinangangambahang maabuso ng ilang mga nasa kapangyarihan laban sa mga kritiko ng administrasyon at mamamayang naghahangad ng pagbabago.
ON COVID-19 RESPONSE
Bagsak na grado rin o 3 ang ibinigay na marka ng pari sa pamahalaang Duterte kaugnay sa pagtugon sa Covid-19 pandemic.
“There is lack of urgency. He undermined the virus. There is simply no vision or direction. It’s more of a catch-up response. There’s no sense of transparency. He always appeals to the public to simply trust him but has so far made no sense of accountability to what, how, when public resources are being used,” ayon pa sa pari.
Giit pa ni Fr. Secillano kinakailangan ng Pangulo na bigyang tuon ang mga suliranin na kaakibat ng pandemya kabilang na dito ang kawalan ng trabaho, health care system at maging sa kinakaharap na problema sa sector ng edukasyon.
Gayundin ayon kay Fr. Secillano ang, “National security, focusing not only on terror but on calamities in a grand scale including this pandemic that threaten our existence. Business sector like sustaining investments, and bankruptcy that leads to loss of jobs/unemployment.”
Sa buwan ng Abril, umaabot sa 7.3 milyon ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa pag-iral ng community quarantine na nagsimula noong Marso.
Ngayong buwan ng Hulyo, bagama’t umiiral na ang mas maluwag na panuntunan ng quarantine marami pa ring mga manggagawa ang hindi pa nakapagtatrabaho habang ang ilan ay wala ng babalikang hanapbuhay.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health, higit na sa 50-libo ang bilang ng mga nagtataglay ng Covid-19 sa bansa.