Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Quiapo church, dismayado sa paglalabas ng placards at flyers sa SONA mass for justice and peace.

SHARE THE TRUTH

 382 total views

Manila,Philippines- Dismayado ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa naging paraan ng paglalabas ng saloobin sa pamahalaan ng ilang mga dumalo sa naganap na SONA Mass for Peace and Justice sa kasagsagan ng banal na misa.

Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong – Parochial Vicar ng Quiapo Church, hindi naangkop ang paglalabas ng mga placards at pamimigay ng mga flyers na nagpapahayag ng pagtutol sa pamahalaan sa loob ng Simbahan at sa kasagsagan mismo ng banal na pagdiriwang.

Paliwanag ng Pari, banal at taimtim ang pagsasagawa ng banal na misa na hindi dapat haluan ng anumang intensyon tulad ng ginawa ng mga nakunan ng larawan at video sa loob ng Simbahan na kinumpiska ng mga pulis.

“hindi yun yung venue para mag-express ng mga ganung mga placards, so medyo nag-ano lang siguro sa paraan ng pulis na hinablot yung mga gamit, kasi ayaw ding makinig nung hindi ko alam kung aktibista ba yun o ralihista, kumbaga peaceful way yung misa natin na hindi appropriate na maglabas (ng placards) at mamigay ka (ng flyers) sa loob ng misa habang nagmimisa kasi offertory nga yung part na yun, so yun yung side nung staff namin, nung pulis dun sa nangyaring yun….” pahayag ni Fr. Douglas Badong sa panayam sa Radyo Veritas
.
Inihayag ni Fr.Badong na sa simula pa lamang ay pinakiusapan ng pamunuan ng Quiapo church ang dalawang sangkot na itigil na ang paglalabas ng placards at pamimigay ng flyers sa loob ng simbahan na kanilang binalewala.

“Sa simula pa lamang ay pinakiusapan na ang dalawang sangkot sa insidente na itigil ang paglalabas at pagpapakita ng placard na may nakasulat na “Resist Anti Terror Law!” sa loob ng Simbahan gayundin ang pamamahagi ng babae ng mga flyers sa mga dumadalo sa banal misa.”paglilinaw ng pari sa Radio Veritas

Gayunpaman ipinagpatuloy ito ng dalawa dahilan upang puwersahang kunin ng mga pulis ang mga iba pang gamit ng mga ito.

“Nagtanong kasi kami dun sa mga staff, nakausap ko din yung Major yung nasa video pinakiusapan na yung dalawa yung involve may dalang placard at yung babae, pinakiusapan sila na huwag gagawin yun diba naglabas siya ng placard na ‘Anti-Terror’, malinaw naman na yung misa ay sa pagdarasal para sa kapayapaan at katarungan, yun ang intensyon pero naglabas siya ng placard eh pinakiusapan siya na huwag ginawa pa din niya and then yung babae naman habang nasa misa ay namimigay ng flyers so sinita din, habang sinisita siya ibinalik sa pulis yung paninita na “bakit bawal ba ito?” so yung ginawa ng pulis kinuha yung mga materials, yun nga lang yun lang ang nakita sa video…” Dagdag pa ni Fr. Douglas Badong

Nilinaw ng Pari na bagamat kaisa ang Simbahan sa pagtutol sa mga batas na maaring lumabag sa karapatang pantao at kalayaan ng mamamayan tulad ng kontrobersyal na Anti-Terror Law ay hindi naman naangkop at katanggap-tanggap ang naging paraan ng pagpapahayag ng pagtutol sa batas at sa pamahalaan ng mga dumalo sa isinagawang banal na pagdiriwang sa Simbahan.

“May mali kasi dun sa expression nung nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa pamahalaan wrong timing parang wrong time and wrong venue kasi misa yun… Nakikiisa tayo sa pagpapahayag nila ng pagtutol sa ganyang batas pero may tamang venue.” Pagbabahagi pa ni Fr. Badong.

Nauna ng inihayag ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na ang naturang SONA Mass for Peace and Justice at ang pag-aalay ng buong arkideyosesis ng banal na misa para sa katarungan at kapayapaan ng bayan ang tanging maiaambag ng Simbahan para sa kapakanan ng buong bansa kasabay ng ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,265 total views

 5,265 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,380 total views

 15,380 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 24,957 total views

 24,957 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,946 total views

 44,946 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 36,050 total views

 36,050 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 11,164 total views

 11,164 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 11,236 total views

 11,236 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 11,716 total views

 11,716 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 11,574 total views

 11,574 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 14,590 total views

 14,590 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 17,806 total views

 17,806 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 14,742 total views

 14,742 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 15,002 total views

 15,002 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 15,888 total views

 15,888 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 15,595 total views

 15,595 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 16,199 total views

 16,199 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 17,239 total views

 17,239 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 17,347 total views

 17,347 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 20,876 total views

 20,876 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 19,176 total views

 19,176 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top