466 total views
Humiling ng panalangin si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgillo David sa mabilis na paggaling ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez Jr. na nagpositibo sa COVID-19.
Inanunsyo at umapela ng panalangin si Bishop David sa kanyang misa na pinangunahan sa San Roque Cathedral.
Ayon kay Bishop David, kasalukuyan nang naka-confine sa San Juan de Dios Hospital si Bishop Iniguez na nakakaramdam ng ilang sintomas ng sakit.
Dahil dito, nananawagan si Bishop David upang sama-samang ipanalangin ang mabilis na paggaling ng dating Obispo ng Kalookan mula sa COVID-19.
“You probably also know that our Bishop Emeritus, Bishop Deogracias Iniguez has tested COVID-19 Positive yesterday (August 1, 2020) and he is presently confined at the San Juan de Dios Hospital, would you please include him in your prayers. You know that Bishop Deo is already a senior and he is feeling the symptoms of the COVID infection, let us please support him with our prayers so that he can recover from this.” Anunsiyo ni Bishop David sa kanyang misa sa San Roque Cathedral.
Mula ng maitalaga sa Diocese of Kalookan noong June 28, 2003 ay sampung taong nagsilbing punong pastol si Bishop Iniguez sa diyosesis bago naretiro noong January 25, 2013 sa edad na 72-taong gulang.
Si Bishop Iniguez ang ikalawang Filipinong Obispo na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.