253 total views
Manila, Philippines — Pinakinggan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang apela ng medical community na muling magpatupad ng mahigpit na community lockdown sa Metro Manila at karatig na lalawigan sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Inaprubahan ng pangulong Duterte sa isinagawang cabinet meeting ang paglalagay sa Metro Manila, Laguna, Cavite,Rizal at Bulacan sa mas mahigpit na modified enchanced community quarantine o MECQ mula ika-4 hanggang ika-18 ng Agosto, 2020.
Naunang hiniling ng medical frontliners kay pangulong Duterte na muling ipatupad ang mahigpit na community lockdown sa loob ng dalawang lingo upang maiwasang bumagsak ang health care system dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kahapon, araw ng lingo naitala ng DOH ang pinakamataas na fresh cases ng COVID-19 na umabot sa 5,032 kung saan nasa 103,185 na ang kabuuang nahawaan ng sakit sa bansa.
Bago ang announcement, pinagalitan ng pangulong Duterte ang mga nagrereklamong health care workers.
Naunang tumugon sa panawagan ng mga medical frontliner ang Archdiocese of Manila.
Read: https://www.veritas846.ph/archdiocese-of-manila-magpapatupad-ng-2-linggong-lockdown/
Tumugon din sa 2-weeks timeout ang Diocese of Cubao at Diocese of Paranaque.
Read: https://www.veritas846.ph/diocese-of-cubao-tumugon-sa-panawagang-time-out-ng-medical-frontliners/
https://www.veritas846.ph/religious-activities-sa-diocese-of-paranaque-suspendido-ng-2-linggo/