375 total views
August 6, 2020, 12:16PM
Manila,Philippines– Nabahala ang mga pari ng Arkidiyosesis ng Maynila sa agarang pagsunod ng mga mambabatas sa panawagang ibalik ang death penalty.
Sa pinagsamang pahayag na inilabas ng arkidiyosesis kinondena nito ang kawalang kalayaan at padalus-dalos na pagsunod ng mga mambabatas sa ninanais ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa dulot ng corona virus pandemic.
“While we agree that it is the duty of legislators to enact laws and State policies, we condemn the lack of independence and imprudence of some of them who decided to immediately bow to the wishes of President Rodrigo Duterte by filing death penalty bills while we are still mired in this seemingly insurmountable crisis brought by COVID-19,” bahagi ng pahayag ng arkidiyosesis.
Nanindigan ang mga pastol ng simbahan na dapat lamang tutulan ang muling pagsasabatas ng parusang kamatayan sapagkat nakalalabag din ito sa ilang panuntunan at hindi ito tugon sa kriminalidad.
Iginiit ng mga pari na ang hakbang ng mga mambabatas ay maituturing na pagkanulo sa taumbayan at pagsunod sa tila diktaduryang uri ng pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.
Sang-ayon naman ang simbahan na kinakailangang parusahan ang mga lumalabag sa batas ngunit nararapat lamang na idaan sa wastong proseso.
“We agree that crime deserves punishment. We agree, further, that the State has authority to administer appropriate punishment to those judged guilty of crimes.”bahagi ng pahayag ng mga pari
Ilan sa paninidigan ng arkidiyosesis laban sa pagbabalik ng death penalty ang sumusunod: