180 total views
Hindi sang-ayon si CBCP-Episcopal Commission on the Laity Chairman Bishop Broderick Pabillo sa batayan ni Senator Emmanuel āMannyā Pacquiao sa pagsusulong ng death Penalty sa bansa kasunod na rin ng pagtaas ng krimen sa Pilipinas lalo na ang usaping laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa Obispo, ang pagtutol ng simbahan sa death penalty ay ayon sa katuruan ni Hesus na siya ring dumanas ng parehong parusa sa kamay ng pamahalaan sa kanyang kapanahunan.
Sa halip ang turo ni Hesus ay ang pagpapatawad at ang pagpapanibago.
Giit pa ng Obispo, isa si Pacquiao sa nanawagan para patawarin ang death convict na si Mary Jane Veloso at dumalaw dito sa piitan kasama ang kabiyak na si Jinkee taong 2015.
āAlam po natin na ipinaglaban natin si Mary Jane Veloso, siya (Pacquiao) pa mismo ang bumisita, siya mismo ang nanawagan sa president ng Indonesia na hindi papatayin si Mary Jane Veloso, tapos ngayonā¦ano na ang moral ascendancy natin sa mga Pilipinong papatayin sa Saudi Arabia, China na makiusap sa kanila na tayo mismo ay pumapatay din,ā paliwanag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Paliwanag ng Obispo, wala tayong karapatan na hilingin na pigilan ang pagpapataw ng parusa sa mga Filipino kung sa ating bansa mismo ay umiiral ang parusang bitay.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs, may 80 bilang ng mga Filipino sa buong mundo ang nasa death row kabilang na si Veloso na kasalukuyang nakapiit sa Indonesia.
Mula sa 196 bansa, 140 mga bansa na ang hindi pinaiiral ang parusang bitay o wala nang nabibitay sa nakaraang 10 taon.