277 total views
Walang dapat ikabahala ang bansa sa paglago ng utang nito sa unang anim na buwan ng taong 2016.
Ito ang siniguro ni University of Asia and the Pacific professor Bernardo Villegas, aniya kinakailangan na ituon ngayon ng kasalukuyang adminsitrasyon kung paano matataasan pa ang Gross Domestic Product ng bansa.
Iginiit pa ng propesor na kailangan malampasan ang naitalang 6.9 percent na paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa unang tatlong buwan o first quarter ng 2016 batay ito sa National Economic and Development Authority o (NEDA).
“That’s not the problem that is still very small compare to other countries. It’s not the absolute amount it’s the percentage of the GDP is important and we still have the very low percentage to GDP,” bahagi ng pahayag ni Villegas sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na halos 6 trilyong piso na ang utang ng pamahalaan sa unang anim na buwan ng 2016.
Mas mataas ito ng mahigit sa 60 bilyong piso kumpara sa 5.9 trillion pesos sa unang kalahating taon ng 2015.