184 total views
“Kahit saan basta mailibing na.”
Ito ang reaksyon ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz kaugnay ng pinagtatalunan at hindi pinagkakasunduan kung saan ililibing ang mga labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa arsobispo, hindi na usapin dito kung bayani, makasalanan o hindi ang dating pangulo, ang dapat ay mailibing na upang makamit na nito ang tunay na kapayapaan o Rest In Peace (RIP).
“Sa sarili ko lang pong pananaw, sapagkat minsan na akong nagpunta dun sa kanyang libingan at para makita ang kalagyan ng kanyang pagiging presidente na doon nakahimlay sa isang lugar na mejo hindi nga permanente. Kapag ako’y tinatanong tungkol sa bagay na yan mauunawaan ninyo, ang aking sagot ay iisa, pwede ba ilibing na kahit saan pero ilibing na. kung saan anu ba naman yun kesa libingan ng mga bayani kesa dun sa hindi libingan ng mga bayani I don’t think it makes any difference, ang sakin lamang naaawa ako dahil hanggang ngayon nandodoon sa lugar nay un na hindi nakalibing at hindi naman ganun dapat ang ginagawa sa sinumang tao ke siya man ay banal o makasalanan etc. etc. so sabi nga from earth to earth from ground to ground pero hindi naka ganun, nakahimlay na hindi naman nakalibing. So ang sagot ko malinaw mula’t simula ilibing niyo lang po please.” Pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.
Kung saan kayo na ang bahala kung ano ang pagdedesisyonan noh pero please ilibing kahit saan para nang sa gayon yung tao naman ay mahimlay na yun naman talaga ang marapat. Hindi yung pag-aawayan pa. ano ba naman ito. Pag-aawayan pa kung saan ililibing etc. etc. kung ilibing dun okay, pero kung hindi ilibing doon okay, pero bigyan ng kaginhawaan yung mama nang sa ganun maging talagang rest in peace na siya.
Pahayag pa ng arsobispo, hindi rin nakaayon sa Christian values na may isang taong matagal ng namayapa subalit hindi pa rin naililibing sa lupa.
“Yun nga po, strictly speaking it is not in accord in our Christian values system of values, na may isang tao na patay na nakayangyang doon so to speak. Pagkatapos hindi nalibing pagkat yung mga buhay ay nagtatalo, ang aasikasuhin po natin yung namatay, hindi yung buhay na ayaw, yung buhay na gusto hindi po yun ee. Yun pong mahimlay na matahimik na kaya nga sabi ko kanina merong rest in peace. RIP. Hanggang ngayon ilang taon na wala pang RIP yun pagtatalunan pa siya. yun lang naman po ang aking maliit na kaisipan tungkol sa bagay na yan.” Ayon pa sa arsobispo.
Matatandaang 1986 nang magtungo sa Hawaii ang pamilya Marcos matapos maluklok sa puwesto si President Cory Aquino kung saan pumanaw sa Honolulu ang dating Pangulo noong September 28, 1989.
Sa darating na Setyembre, nakatakdang ilibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa utos na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.