Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila 67th Anniversary: Patuloy na paglilingkod sa kabila ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 397 total views

Palalakasin ng Caritas Manila ang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na sa panahon ng kagipitan tulad ng krisis na naranasan dulot ng pandemya.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng social arm ng Archdiocese of Manila, mahalagang mangibabaw ang pagkakawanggawa lalu na ngayong may krisis na dulot pandemic novel coronavirus.

“Sa harap ng pandemyang ito huwag takot ang manaig kung hindi ang kapangyarihan ng pagkawanggawa; pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa ang papawi sa takot at pangamba na dulot ng krisis na ito,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Ito ang mensahe ng pari sa ika-67 anibersaryo ng Caritas Manila na ipagdiriwang ngayong ika – 26 ng Setyembre na gugunitain sa pamamagitan ng virtual celebration dahil na sa rin sa mga limitasyong dulot ng community quarantine.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Thriving In Crisis Through Faith And Charity’ bilang pagkilala na rin sa ginagampanan ng institusyon na nagpapatuloy sa gawain sa kabila ng panganib na dala ng virus.

Kinilala at pinasasalamatan din ni Fr. Pascual ang nga donors at benefactors na patuloy ang pagsuporta sa mga programa ng social arm ng arkidiyosesis sa nakalipas na mahigit anim na dekadang paglilingkod sa pamayanan.

Aniya, may mga grupo, pampubliko at pribadong institusyon maging ang mga indibidwal na nakikiisa sa mga programang kawanggawa ng Caritas Manila upang matulungan ang mga mahihirap na komunidad.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga donors at benefactors throughout the years walang sawang nagtitiwala at sumusuporta sa Caritas Manila para matulungan ang poorest of the poor,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Tiniyak ni Fr. Pascual sa mga nagbibigay ng kanilang donasyon na ito ay nakarating sa mga benepisyaryo lalu na ang mga mahihirap na sektor ng lipunan lalo na sa kalakhang Maynila.

Nang magpatupad ng mahigpit na community quarantine ang National Capital Region ay agad na kumilos ang Caritas Manila sa tulong ng grupo ng mga negosyante na nagkaloob ng mahigit isang bilyong gift certificate na ipinagkaloob naman sa higit isang milyong indibidwal.

Isang misa na pangungunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang gaganapin alas-8 ng umaga.

Sa nakalipas na 67 taon pinalalawig pa ng social arm ang mga programan tulad ng Caritas Margins, Restorative Justice ministry, Segunda Mana, Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na nagpapaaral sa 5, 000 scholar sa buong Pilipinas kung saan ngayong taon ay tutulungan na rin ang anak ng mga jeepney driver na makapag-aral ng kolehiyo at technical vocational.

Pinasalamatan din ng pamunuan ng Caritas Manila ang libu-libong volunteers na patuloy naglilingkod sa kapwa sa kabila ng panganib na idudulot ng corona virus sa sariling kalusugan.

“Nagpapasalamat din tayo sa mga pari at mga lay volunteers na hindi ininda ang takot at pangamba na lumabas upang matulungan ang poor communities; walang sawang bumababa para maramdaman ng mga mahihirap na hindi sila nag-iisa sa krisis na ito,” ayon kay Fr. Pascual.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 1,284 total views

 1,284 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 7,092 total views

 7,092 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 12,891 total views

 12,891 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 31,450 total views

 31,450 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 44,681 total views

 44,681 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Norman Dequia

Mga simbahan sa Los Angeles, binuksan sa mga biktima ng wildfire

 417 total views

 417 total views Tiniyak ng mga Pilipinong pari sa Los Angeles California ang pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng wildfire sa lugar. Ayon kay Fr. Rodel Balagtas, Parish Priest ng Incarnation Church sa Glendale at Head ng Filipino Ministry, ng Archdiocese of Los Angeles, bagamat naghahanda ito sa posibleng paglikas ay nanatiling bukas ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Canonical installation ni Bishop Mallari, pangungunahan ng Papal Nuncio

 1,091 total views

 1,091 total views Itinakda ng Diocese of Tarlac sa March 27, 2025 ang pagluluklok kay Bishop Roberto Mallari bilang ikaapat na obispo ng diyosesis. Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang canonical installation ng obispo sa alas nuwebe ng umaga sa San Sebastian Cathedral sa Tarlac City. Itinaon ang installation ni Bishop

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Huwag matakot sa PNP checkpoint-COMELEC

 1,152 total views

 1,152 total views Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na huwag katakutan ang maraming check points ng Philippine National Police sa bansa. Sa programang Veritas Pilipinas sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na bahagi ito ng paghahanda ng komisyon sa nalalapit na midterm national and local elections sa Mayo kung saan nagsimula

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Prayer power para sa 2025 midterm election, inilunsad sa Archdiocese of Cebu

 1,231 total views

 1,231 total views Iginiit ni Cebu Arcbishop Jose Palma na dapat seryoso ang bawat pulitiko sa hangaring maglingkod sa kapakanan ng nakararami. Ito ang mensahe ng arsobispo sa ikalawang araw ng novena mass para sa Prayer Power na inisyatibo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting bilang paghahanda sa nalalapit na Midterm National and Local Elections

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bibliya, pinaka-epektibong panlaban sa fake news

 4,290 total views

 4,290 total views Nanindigan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nanatiling bibliya ang pinagmumulan ng mga makatotohanang balita sa mundo. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, pinakamabisang paraan ang pagbabasa ng bibliya upang labanan ang laganap na fake news sa lipunan lalo na ngayong digital age. “The bible

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Diocese of Gumaca, tiniyak na magiging boses ng mahihina

 6,905 total views

 6,905 total views Tiniyak ng bagong pastol ng Diocese of Gumaca ang patuloy na pakikilakbay sa humigit kumulang isang milyong nasasakupan. Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Euginius Cañete, MJ, ikinatuwa nito ang mainit na pagtanggap ng mga mananampalataya ng ng diyosesis na binubuo ng mga lugar sa katimugan ng lalawigan ng Quezon. “Batay sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno, ipinagdiriwang sa buong bansa

 6,197 total views

 6,197 total views Itinuring ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus na natatangi at makasaysayan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ngayong taon dahil ipagdiriwang na ito sa lahat ng simbahan sa buong bansa. Ayon kay Basilica Rector at Parish Priest, Balanga Bishop – elect Rufino Sescon Jr. magandang pagkakataon ito upang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Proteksyon sa dignidad ng buhay, hiling ng Santo Papa

 8,672 total views

 8,672 total views Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mananampalataya na isulong ang kapayapaan at proteksyon sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao. Sa pagninilay ng santo papa sa Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at paggunita sa 58th World Day of Peace, binigyang diin nito ang kalahagahan ng buhay ng bawat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok na pagnilayan ang taong 2025

 8,000 total views

 8,000 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na pagnilayan ang bagong taong 2025 lalo’t ipinagdiriwang ng simbahan ang Jubilee Year na nakatuon sa temang ‘Pilgrims of Hope.’ Ayon sa obispo nawa’y gamiting pagkakataon ng mamamayan ang pagdiriwang upang pagnilayan at pagningasin ang pag-asang tangan ng bawat isa upang maibahagi sa kapwa. “In

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Tigilan na ang pagiging paasa at palaasa, paalala ni Cardinal Advincula sa mamamayan

 7,999 total views

 7,999 total views Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na manatiling kumapit sa pag-asang hatid ni Hesus sa sangkatauhan. Sa ginanap na New Years Eve Mass at pagdiriwang sa Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos sa Manila Cathedral binigyang diin ng arsobispo na si Hesus ang pag-asa at kailanman sa kanyang dakilang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok na salubungin ang bagong taon ng may pag-asa at kagalakan

 9,644 total views

 9,644 total views Hinikayat ng opisyal ng simbahan ang mananampalataya na salubungin ang bagong taon na puno ng pag-asa at kagalakan. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kasalukuyang kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage tema ng kanilang pagdiriwang ang “Bagong Taon, Bagong TAO” kung saan pagninilayan ang tatlong

Read More »
Circular Letter
Norman Dequia

Dapat manaig ang katarungan-Bishop Santos

 9,596 total views

 9,596 total views Nanindigan ang Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines na dapat manaig ang katarungan alinsunod sa batas. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos malinaw na may pananagutan sa batas ang sinumang nagkasala upang mabigyang katarungan ang mga biktima. Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa krimen na kinasangkutan ng isang Overseas Filipino Worker sa

Read More »
CBCP
Norman Dequia

Obispo ng San Jose, itinalaga ni Pope Francis na Obispo ng Diocese of Tarlac

 9,528 total views

 9,528 total views Itinalaga ng Papa Francisco si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari bilang ikaapat na obispo ng Diocese of Tarlac. Inanunsyo ng santo papa ang appointment sa bagong obispo ng Tarlac nitong December 29 sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sagrada Familia. Si Bishop Mallari ang hahalili kay Bishop Enrique Macaraeg na pumanaw noong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Si Hesus ang liwanag at pag-asa ng tao

 12,694 total views

 12,694 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ang pagkakatawang tao ni Hesus ay tanda ng liwanag at pag-asa sa sambayanan. Sa mensahe ng arsobispo ngayong Pasko ng Pagsilang dalangin nito sa bawat pamilya na huwag hayaang mamayani ang pagkalumbay na magdudulot ng kawalang pag-asa sapagkat ipinadala ng Diyos

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Unang dekada ng debosyon kay Poong Hesus Nazareno, ipagdiwang ng Archdiocese of Davao

 12,689 total views

 12,689 total views Ipagdiriwang ng Archdiocese of Davao ang unang dekada ng debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno sa 2025 kasabay ng Jubilee Year of Hope. Itatampok sa pagdiriwang ng kapistahan ang pagbisita ng opisyal na replica ng Poong Jesus Nazareno sa ilang parokya ng arkidiyosesis upang mabigyang pagkakataon na mailapit sa mga deboto at mapaigting

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top