376 total views
Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang pagboto ay sagradong responsibilidad ng mamamayan bilang sentro ng demokrasya ng bansa na nagpapakita ng paninindigan at pagmamahal sa bayan.
Dahil sa sagradong responsibilidad, nanawagan ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na hindi nararapat na ipagpaliban ang nakatakdang 2022 National and Local Elections sa bansa.
Ayon kay LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos, hindi katanggap-tanggap na dahilan ang banta ng COVID-19 pandemic upang ipagpaliban ang nakatakdang halalan lalo na’t may dalawang taon pa ang Commission on Elections upang mapaghandaan ito sa taong 2022.
Ipinaliwanag ni Atty. Caritos na mayroon pang sapat na panahon ang COMELEC upang ganap na mapaghandaan ang nasabing halalan at matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan mula sa banta ng COVID-19 virus.
Ibinahagi ni Atty. Caritos na isang paraan ng paghahanda ng COMELEC para sa 2022 National and Local Elections ang mga sistema at pag-iingat na ipinatutupad ng ahensya sa nagpapatuloy na voter’s registration sa ngayon.
“NO! The Commission on Elections has at least 20 full months to prepare and implement measures to comply with the recommended health standards to combat the threats of COVID-19. The resumption of registration has started and is in full swing, with all the required sanitary and social distancing measures in place.” pahayag ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE).
Iginiit ng LENTE na alinsunod sa Saligang Batas ay maari lamang ipagpaliban ng Kongreso ang 2022 National and Local Elections hanggang sa huling araw ng Mayo taong 2022 bilang pag-iingat na magkaroon ng constitutional crisis dahil sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Bise-Presidente Leni Robrero sa ika-30 ng Hunyo taong 2022.
“If Congress really wants to postpone the upcoming 2022 National and Local Elections, they can postpone it up to the last day of May 2022. Going by our 2016 election experience, the President and Vice-President elections can still be proclaimed before the term expiration of the current ones. This is to avoid any unnecessary constitutional crisis or vacuum of power in our government since the term of office of President Duterte and Vice-President Robredo ends on June 30, 2022.” Paliwanag ng LENTE.