381 total views
October 2, 2020-10:52am
Magsasagawa ng pagbabasbas ng “urn” ang Minor Basilica of the Immaculate Conception Cathedral sa lahat ng linggo simula sa ika-4 ng Oktubre hanggang sa ika-8 ng Nobyembre.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Manila Cathedral, ito ay bilang tugon sa pastoral instruction ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na may titulong One with Our Deloved Dead.
“From October 4 to November 8, in all our SUNDAY Masses, we will be having the Rite of Blessing of Cremated Remains. The family may bring the urn and a picture of their beloved dead, and we will celebrate a worthy liturgical blessing for them. This is in response to the call of Bishop Broderick Pabillo to make our churches welcome places of prayer and consolation specially for families who lost a loved one in this time of pandemic,” ayon Facebook post ng The Manila Cathedral.
Bahagi ng din ng protocol sa nakakahawang sakit ang pagsusunog o pag-cremate ng mga labi ng mga namayapang nagtataglay ng Covid-19.
Hinikayat ang mga mananampalataya na dalhin ang urn at larawan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay na babasbasan pagkatapos ng misa.
Ayon sa liham hinihikayat ang mga parokya sa Maynila na maglaan ng mas maraming misa para sa mga namayapa lalu’t pansamantalang ipasasara ang mga sementeryo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Banal at Araw ng mga Patay na karaniwang pagkakataon ng mga Filipino na dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao na higit na mapanganib mula sa nakakahawang sakit.
Una na ring ipinag-utos ng Malacanang ang pagpapasara sa lahat ng mga sementeryo sa buong bansa simula ika-30 ng Oktubre hanggang sa ika-4 ng Nobyembre.
Naglabas din ang Arkidiyosesis ng Maynila ng panalangin para sa mga namayapa na maaring dasalin ng bawat pamilya sa kanilang tahanan nang hindi na kailangan pang magtungo sa sementeryo.