374 total views
Bawat isa ay mahalaga at minamahal ng Panginoon-ang ating Ama.
Ito ang pagninilay ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos kaugnay sa bagong ensiklikal ni Pope Francis na ang Fratelli Tutti: On Fraternity and Social Friendship.
“We are all God’s children. Our God is our Father, Father to all, no recrimination and no discrimination. He is a Father who accepts all, accompanies all and available to all of us. God does not limit His goodness. For Him, there is no less worthy, less important, less human,” ayon kay Bishop Santos na siyang vice-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples.
Ayon kay Bishop Santos, lahat ng tao ay magkakapatid na tumutukoy din sa mga migrante na may kapantay na dignidad at karapatan maging iba man ang paniniwala, kultura at pananampalataya.
“God makes us all special, somebody. This is what we and accept as Fratelli Tutti, speaks about migrants and refugees whom has also equal dignity and rights as we are, regardless of creed and culture, color of skin or customs,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.
Giit ng obispo, bahagi din ng misyon ng simbahan na isulong at pangalagaan ang karapatan at dignidad ng mga migrante. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga programa para sa na magpapabuti sa kanilang kalagayan at kapakanan tulad ng mga karaniwang mamamayan.
Sa Pilipinas, aabot ng apat na milyon ang mga itinuturing na internally displaced person (IDP’s) sa iba’t ibang bahagi ng bansa dulot na rin ng kalamidad, karahasan at digmaan sa kani-kanilang lugar.
Isa ang kalagayan ng mga migrante sa pangunahing binibigyang halaga ng Santo Papa Francisco na misyon sa kanyang panunungkulan bilang pinamataas na pinuno ng simbahan.
Sa tala, tinatayang umaabot na sa 272 milyon ang mga migrante sa taong 2019 o pagtaas na 51 milyon simula taong 2010.
Pitong taon na ang nakalipas nang binisita ng Santo Papa ang Isla ng Lampedusa kung saan nag-alay ng panalangin si Pope Francis para sa mahigit 20-libong migrante na nasawi habang naglalayag sa Mediterranean Sea at upang makapasok para manirahan sa Europa dulot na rin ng umiiral na kahirapan, karahasan at digmaan sa kani-kanilang bansa.