165 total views
Inihayag ni Boac Bishop Marcelino Maralit na ito ang pangunahing layunin ng kauna-unahang national convention para sa Catholic Grandparents Association na ginanap sa Lipa Batangas City.
Ayon kay Bishop Maralit, tulad ng mensahe ng Santo Papa dapat iwasan ang “throw away culture” na kahit matatanda ay dapat bigyang halaga at tunay na mahalin.
Sinabi ng Obispo na ang mga lolo at lola ay mayroon pa ring misyon sa pananampalataya sa pagpapasa nito sa mga kabataan ng magandang pag-uugali at kulturang Filipino.
“I think it is empowerment again, the role that they should play, sabi nga ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Evangeli Gaudium ay one of the problem of our societies is a society of throw away culture. Pagtanda parang na echapuwera ka na, so kahit yung mismong mga matatanda they feel that way, ang kanilang isip ay wala na silang used. Well in fact it is another way around, the more you grow old the more used you have in the society. Kasi your are link of generation and I believe what we are doing right now is again the empowerment a reminder of the mission that they have a special mission,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.
Iginiit ni Bishop Maralit na napapanahon na i-highlight ang importansiya ng ating mga lolo at lola lalo na sa lipunan.
“Isang gawain at misyon ng lolo at lola, ito ay transmission of traditions, values and faith sa mga kabataan. Sila ang connection natin sa past,”pahayag ng Obispo.
Sa Pilipinas kung saan kakaiba ang pagbibigay halaga sa mga lolo at lola na sumasakop sa may 6-na porsiyento ng mahigit sa 100-milyong populasyon ng bansa.