228 total views
Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth ang mananampalataya lalu na ang kabataan na tularan ang gawi ni Venerable Carlo Acutis.
Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng CBCP-Epicopal Commission on Youth na napakagandang halimbawa ang tinuran ni Blessed Carlo noong nabubuhay pa na maging kalugod-lugod sa paningin ng Panginoon at higit mapalapit kay Hesus.
“Blessed Carlo’s project of life was to be close to Jesus. This is also our project. Because in Jesus we find a friend who understands us, makes sacrifices for us, offers his life for us,” pahayag ni Bishop Alacon sa Radio Veritas.
Inihayag ng Obispo na si Venerable Carlo ay sumisimbolo ng pag-asa na ang Panginoon ay nanatili sa bawat isa lalo na sa matitinding hamong kinakaharap sa buhay.
Matatandaang bago pumanaw ang santo noong ika – 12 ng Oktubre 2006 dahil sa leukemia ay ini-alay nito ang mga paghihirap para sa Diyos, sa Santo Papa at sa Simbahang Katolika.
Dahil ditto, sinabi ni Bishop Alarcon na si Venerable Carlo ay paalala sa lahat na si Hesus ay nananahan sa bawat isa at sa Eukaristiya.
“Blessed Carlo invites us to realize that Jesus is near. He is in Church, in the Eucharist. We do not need to go to Jerusalem, as in the past to find Jesus. He is in the Eucharist. In this friend, Jesus, we shall experience joy and fullness of life,” dagdag ng obispo.
Si Venerable Carlo ay kilala rin bilang computer-savvy na kabataan na ginamit ang talento sa teknolohiya upang ipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon.
Kaugnay ditto, hamon ni Bishop Alarcon sa kabataan na gawing huwaran si Blessed Carlo na ginamit ang talento sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
“This is a call for you, young people to: first recognize that you are unique and that you are loved by God in your uniqueness; let us discover the unique talents, gifts, abilities God has gifted us and use them for the greater good, and for the good of others,” ayon kay Bishop Alarcon.
Tulad ni Venerable Carlo, umaasa si Bishop Alarcon na tuklasain din ng bawat kabataan ang buhay sa pamamagitan ng pakikipagkapwa tao at pakikipagbuklod sa pamayanan upang matamo ang pagkakaisa at kapayapaan.
Hulyo 2019 nang ideklara ni Pope Francis si Acutis bilang Venerable habang itinakda naman sa ika – 10 ng Oktubre 2020 ang beatification na isang hakbang bago tuluyang maging santo ang millenial saint.