347 total views
Naniniwala ang eksperto sa batas na legal ang pagkakahalal ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco bilang bagong speaker ng Mababang Kapulungan.
Ayon kay Fr. Ranhilio Aquino, dean ng San Beda College of Graduate School of Law, base na rin sa mga naunang desisyon ng Korte Suprema ang Kongreso ay may kapangyarihan na gumawa ng batas gayundin ang pag-amyenda sa batas.
“But our Supreme Court has already said, just as the house has the power to make rules it also has the power to amend them and even the power to suspend them. So, if the majority gathered in a gymnasium and decided that that was a session of the lower house and decided they would elect Lord Allan Velasco then that is the result of the majority vote,” ayon sa pahayag ni Fr. Aquino sa panayam ng Radyo Veritas.
Dismayado naman ang pari sa bangayan ng mga mambabatas lalu’t kinakailangang maaprubahan at maisabatas ang pambansang pondo para sa susunod na taon na nagtataglay ng mga probisyon lalu na sa pagtugon sa pandemic novel coronavirus.
“I feel so disappointed that our congress, our lower house should be behaving like this at a time when they should be attending a national emergency. Napahalaga yung budget because this budget contains provisions for dealing with covid,” ayon pa kay Fr. Aquino.
Dagdag pa ni Fr. Aquino, “Ngayon kung hindi maipasa ang budget we are force to operate on a real active budget that has no provisions for covid so we will not be up to the task of dealing with covid again. And unang-una sabi ko pag may gentleman’s agreement, leave people who are to be statesmen should behave like gentlemen.
Sa pinakahuling ulat, nagbitiw na bilang Speaker of the House si Taguig Representative Alan Peter Cayeteno kasabay na ng pagratipika ng Mababang Kapulungan sa pagkakahalal sa bagong Speaker of the House na si Cong. Velasco.
Sa kaniyang facebook post, kabilang sa pakiusap ng Cayetano ang pagtalakay at pagpasa ng panukalang P4.5 trilyong budget na inaasahang isasagawa ngayong araw.
Tiniyak din ng out-going speaker of the house ang pananatili ng kaniyang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Una na ring ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng special session simula ngayong araw hanggang sa ika-16 ng Oktubre para sa ikatlo at huling pagbasa ng proposed budget.