330 total views
Hinimok ng Diyosesis ng Kalibo ang mananampalataya na sundin ang kautusan ng pamahalaan hinggil sa nalalapit na All Saints’ at All Souls’ Day.
Sa pastoral directives ni Bishop Jose Corazon Tala-oc, sinabi nitong kinakailangang iwasan ang malaking pagtitipon sa bawat lugar tulad ng mga sementeryo upang hindi kumalat ang corona virus at maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan.
“The resolution made by the IATF is commendable. Let us support and follow such directive from the government. I appeal for all the faithful to understand and abide the current regulation. Let us prioritize public safety and security in the midst of this pandemic,” bahagi ng pastoral directives ni Bishop Tala-oc.
Kaugnay ditto, nagpalabas ng panuntunan ang diyosesis kung saan pinaalalahanan ang mamamayan na huwag dumalaw sa mga sementeryo sa pagitan ng ika – 29 ng Oktubre hanggang ikaapat ng Nobyembre.
Kasabay ng pagsasara ng mga Catholic owned cemeteries sa lalawigan, ay hindi rin pinahintulutan ng obispo ang pagsasagawa ng Banal na Misa sa mga libingan.
Sinabi ng Obispo sa mga nagnanais dumalaw sa puntod ng yumaong kaanak ay maaring gawin maliban sa mga petsang itinakda ng pamahalaan kasabay ng pagsunod sa mga safety health protocol.
Ayon ni Bishop Tala-oc na dapat mag-alay ng dasal ang pamilya para sa kaluluwa ng mga yumaong kaanak lalo na sa Banal na Misa.
“Since the faithful are not allowed to visit the cemeteries from October 29, 2020 to November 4, 2020, we encourage everyone to go to Church and offer Mass for their beloved dead. The Holy Eucharist is the best gift and prayer we can offer for our deceased relatives and friends.”pahayag ng Obispo
Tiniyak ni Bishop Tala-oc sa mananampalataya ang pakikiisa sa pananalangin sa Todos Los Santos at paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Pastoral letter: