346 total views
Napapanahon ang nakatakdang biyatipikasyon ni Fr. Michael McGivney ang nagtatag ng Knights of Columbus noong 1882.
Ang Knights of Columbus ay samahan ng mga kalalakihang katoliko na laganap na sa iba’t iba’t bansa na ang pangunahing mandato ay pagkakawanggawa, pagkakaisa at kapatiran.
Ayon kay Atty. Rene Sarmiento ng KoC North Luzon na kabilang din ang pari sa mga patron ng pandemya na nasawi dulot ng pagkahawa sa kumakalat na sa sakit sa Amerika sa kaniyang panahon.
“Siya ay frontliners, at victim ng pandemic and in the process nagkasakit po siya at the age of 38 namatay because of that pandemic siya po ay namatay sa pandemya. So, patron din sya ng pandemic health victims,” ayon kay Sarmiento.
Ito ay itinatag upang magbigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at kanilang pamilya lalu na sa may sakit, may kapansanan at naulila dahil sa digmaan.
“Very timely kasi ang kanyang cause for beatification/sainthood ay nag-umpisa 1997 after 23 years at tamang-tama pandemic he will be beatified. Very timely, providential,” ayon kay Sarmiento.
Unang itinatag ni Fr. McGivney ang kapatiran sa isang local na parokya sa Connecticut na binubuo ng 16 na miyembro.
Nang siya ay namayapa ay tumaas ang bilang sa anim na libong miyembro na sa kasalukuyan ay binubuo na ng dalawang milyong miyembro kabilang na ang 500-libong miyembro sa Pilipinas.
Itinakda ang biyatipikasyon ni Fr. McGivney sa ika-30 ng Oktubre oras sa Estados Unidos (Oct.31-oras sa Pilipinas).