679 total views
Nagpalabas ng panuntunan ang Arkidiyosesis ng Lingayen Dagupan sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari.
Sa circular letter ni Archbishop Socrates Villegas, bunsod ng nagpapatuloy na banta ng covona virus ay ipagdiriwang ang kapistahan sa mga parokya na lamang upang maiwasan ang malakihang pagtitipon.
“We will NOT hold any archdiocesan or vicariate observance of Christ the King as we have discussed in our vicariate meetings. Christ the King Sunday this year will be observed in the parishes, chaplaincies and pastoral stations,” bahagi ng liham circular ni Archbishop Villegas.
Batay sa panuntunan na inilabas ng arkidiyosesis, hinati ito sa ‘mandatory observances’ ‘discretionary observances’ at prohibited observances’ bilang gabay sa mga pari at layko na mangunguna sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan.
Ayon kay Archbishop Villegas, bagamat marami ang mga pagbabago sa nakaugaliang gawain tuwing ginugunita ang kapistahan ng Kristong Hari ay mananatili naman ang diwa ng pagiging hari ni Hesus sa sanlibutan partikular na ang pagpapadama nito sa ating kapwa.
“Beyond the old practices that we need to cast aside and new practices we need to adopt, the kingship of Christ remains constant, the preferential option for the poor remains primary and the command to show our love for God by loving our neighbor is even clearer,” dagdag pa ni Arhcbishop Villegas.
Tema ng Christ the King Sunday ngayong taon na ipagdiriwang sa ika – 22 ng Nobyembre ay “The Poor are Our Masters” (Saray Mairap-Bilay so Katawan Tayo or Ang Dukha ay Ating Panginoon).
Kaya’t hamon ng arsobispo sa mananampalataya na ipakita at ipadama ang dakilang pag-ibig ni Kristong Hari sa mga maralita sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.
“We pay homage to Christ the King by reverencing the poor and the weak through our works of mercy and charity,” giit ng arsobispo.