6,216 total views
Kabayan mahal natin, tulong tayo!
Umaapela ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa sambayanang Filipino na makiisa sa nararanasang pagdurusa at tulungan ang mga sinalanta ng magkasunod na bagyo sa bansa.
Sa ipinadalang apela ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa Radio Veritas, ipinaalala nito na higit na kailangan ang sama-samang pagtutulungan upang ganap na makabangon sa pagkakalugmok ang libu-libong Filipino na biktima ng pananalasa ng bagyong Quinta, Rolly, Siony at Ulysses.
“Calling all faithfuls to share your little treasure for our kababayang victims of the typhoons in particular”.panawagan ng Caritas Philippines
Kumakatok din ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga corporate at business institutions na buksan ang kanilang pintuan upang tulungan ang mga apektado ng kalamidad.
“We are knocking on the doors of our corporate and business institutions, kailangan po natin ang kanilang tulong”.apela ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines
Hinimok din ni Bishop Bagaforo ang lahat ng Diyosesis at Arkidiyosesis sa bansa na magsagawa ng special collections bilang “Alay Kapwa Sunday” para sa mga biktima ng bagyo sa ika-15 ng Nobyembre 2020.
“November 15, special collections bilang Alay Kapwa Sunday sa lahat ng simbahan sa buong Pilipinas”.panawagan ni Bishop Bagaforo
Ibinahagi ni Bishop Bagaforo na sinisikap na matapos ng mga social action centers ng Simbaban sa mga apektadong lugar ang assessment sa pinsala ng bagyo at immediate na pangangailan ng mga apektadong mamamayan.
Inihayag din ng national director ng humanitarian, development at advocacy arm ng C-B-C-P na nakahanda na ang 1-milyong pisong pondo na ipadala sa mga apektadong diyosesis.
“Lahat po ng social actions in the dioceses affected by the typhoons are now assessing the damages and what are the urgent needs of our kababayan. Nassa is coordinating all our reliefs and rehabs efforts for these dioceses. Mahigit P1M po committed funds mula nassa at caritas manila handa ng ipadala sa mga severely affected dioceses.”pagtiyak ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas
Sa mga nais tumulong, maaring i-deposito ang donasyon sa Nassa/Caritas Philippines’ Alay Kapwa account.
Bank of the Philippine Islands
Account no. 4951 0071 08
Account name: CBCP Caritas Filipinas Foundation Inc.-NASSA
Dollar account for donations:
Metrobank, account number 632 2 632 00293 3
Account name CBCP Caritas Filipinas Foundation Inc.
Euro deposits:
Metrobank, account number 632 2 63260023 7
Account name CBCP Caritas Filipinas Foundation Inc.