3,173 total views
Ipinapaabot ng kaniyang Kabanalan Francisco ang panalangin sa Pilipinas lalu na sa mamamayan na labis na nagdurusa dulot ng magakasunod na pananalasa ng bagyo sa bansa.
Pinangunahan din ng Santo Papa ang pagdarasal para sa mga nasalanta sa ginanap na Angelus sa Vatican. “I am near in prayer to the dear people of the Philippines who are suffering because of the destruction, and especially because of the flooding caused by a strong #typhoon.
I express my solidarity to the poorest families and those who are doing all they can to help them,” ayon pa sa pahayag ng Santo Papa.
Ipinababatid din ni Pope Francis ang kanyang pakikiisa sa pagdurusa ng mga biktima gayundin sa mga mamamayan na nagsisikap para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Sa kabuuan umaabot na sa 67 katao ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong ulysses habang 12-katao ang naiulat na nawawala.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 26-libong mga bahay ang nasira ng bagyo habang marami pa ring mga lugar sa Cagayan, Isabela at Rizal ang lubog sa baha at putik dulot ng bagyo.
Ang bagyong Ulysses ang ika-21 bagyong pumasok sa bansa ngayong taon na nagdulot pinakamalawak na pagbaha sa maraming lugar kabilang na sa Metro Manila.
Bago ang bagyong Ulysses, isang lingo ang nakalipas nang unang manalasa sa bansa ang Super Typhoon Rolly na labis ding puminsala sa mga lalawigan sa Luzon lalu na sa Bicol Region. Una na ring nagpahatid ng tulong ang Caritas Manila, Caritas Philippines at mga institusyon ng simbahang katolika sa mga naapektuhang pamilya.