428 total views
Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na higit nakikita ang pagiging hari ng Panginoong Hesukristo sa paglingap ng kapwa.
Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy, ang pagtulong sa nangangailangan at mga dukha sa lipunan ang konkretong paghahayag ng paghahari ni Hesus.
Ito ang pagninilay ng obispo sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari na ipinagdiriwang nitong ika – 22 ng Nobyembre sa gitna ng pandemya at mga kalamidad na naranasan ng bansa.
“The recent typhoons & continuing pandemic have made concrete the different faces of Jesus in the needy: the hungry, thirsty, naked, the sick; The kingship of Jesus is best seen in the way we treat these very least, by restoring back the dignity of people who are at rooftops, submerged in floods, in mud, those waiting for relief goods,” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.
Giit ni Bishop Bendico bilang mga kristiyano hindi maaring ipagsawalang bahala at magsawalang kibo sa dinaranas na paghihirap partikular sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol region, Cagayan, Isabela, Rizal at Marikina.
Mahalagang kumilos ang mamamayan at tulungan ang mga biktima ng kalamidad upang maibsan ang paghihirap at mabigyang pag-asang muling bumangon.
“Let us give them hope and consolation for recovery on their is farfetched,” dagdag ng obispo.
Sa tala ng pamahalaan halos tatlong milyong indibidwal ang nasalanta ng mga pagbaha bunsod ng magkakasunod na bagyong dumaan sa bansa.
Kumikilos na ang simbahan sa pangunguna ng social action centers ng mga diyosesis kabilang na ang Caritas Manila sa pagtugon sa mga nasalanta ng baha at maging ang mga nahirapan bunsod ng lockdown.
Hinimok ni Bishop Bendico ang mamamayan na magbahagi sa kapwa at ipadama ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa.
“The message of Christ the King during these trying times is clear: “Whatever you have received as a gift, give as a gift.” By doing we will not be left but instead the just Judge will say to us: “Come, you who are blessed by my Father. Inherit the Kingdom prepared for you from the foundation of the world,” giit ni Bishop Bendico.