348 total views
Ikinagagalak ni Baguio Bishop Victor Bendico ang pananabik ng mga mananampalataya sa salita ng Diyos at pagdalo sa mga misa sa mga Parokya.
Ayon kay Bishop Bendico, sa kabila ng mga paghihigpit ay maraming mga mananampalataya ang dumadalo sa misa upang makatanggap ng sakramento.
“We are glad that people are coming to the church even in the midst of restrictions,” ayon kay Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.
Tiniyak naman ng obispo na patuloy na ipinatutupad ng mga simbahan sa diyosesis ang pag-iingat laban sa nakakahawang sakit, lalu’t kabilan na rin ang lungsod sa ‘Covid-19 hotspot’.
Pinapairal ng Simbahan ang pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing at proper hygiene.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ang Baguio City sa General Community Quarantine subalit binigyang pahintulot ang 50-porsiyento ng seating capacity sa pagdalo sa mga pagdiriwang sa simbahan.
Sa Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan nasasakop ang Baguio, naitala ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng virus sa 5,280 higit naman sa apat na libo ang gumaling at 52 naman ang nasawi.