Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 246 total views

Mga Kapanalig, kapansin-pansing nitong mga nakaraang linggo, headline lagi sa mga balita ang sunud-sunod na pagkakapatay ng mga pulis sa mga sinasabing tulak ng droga. Mayroon ding mga umano’y sumusuko sa pulisya dahil sa takot na sila ang sunod na mapatay. Bagamat hindi pa pormal na umuupo si President-elect Rodrigo Duterte, tinawag na ng media ang operasyon ng ating kapulisan bilang “Oplan Rody”.

Nadarama na nga ba natin ang “pagbabagong” hatid ng bagong administrasyon? Ito nga ba ang uri ng pagbabagong hinihintay ng mga bumoto kay Ginoong Duterte?

Makailang-ulit na binanggit ni President-elect Duterte ang kanyang pagsang-ayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Ngunit may kundisyon sa kanyang sinabi: kailangang mapatunayan guilty ang sinumang ilalagay sa death throw. May mga grupong sumusuporta sa kanyang plano, tulad ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC. Pabor ang grupo sa death penalty dahil sa mga karumal-dumal na krimen o heinous crimes sa bansa. Para sa kanila, wala nang karapatang mabuhay ang mga taong gumagawa ng kahalayan at karahasan.

Ayon naman sa mga tumututol sa pagbabalik ng parusang kamatayan gaya ng Simbahan at ng Commission on Human Rights, marami nang pag-aaral na nagpapatunay na hindi epektibo ang death penalty sa pagpigil sa ilang taong gumawa ng krimen. Wala raw malinaw na kaugnayan ang pagpataw ng parusang kamatayan sa pagbaba ng bilang ng heinous crimes.
Sang-ayon din naman si Duterte sa katwirang ito. Sa pahayag niya sa inauguration ni Senator Manny Pacquiao sa Sarangani noong isang linggo, hindi naman daw talaga panakot o deterrent ang death penalty. Ito raw ay retribution o kabayaran ng kriminal para sa maling nagawa. Samakatuwid, buhay ang kabayaran sa krimen. Kung buhay ang nilapastangan, bakit daw hindi rin buhay ang kapalit? Karapat-dapat lamang daw pagbayaran ang inutang, walang labis, walang kulang.

Ang tanong, mga Kapanalig, hindi lang ng Simbahan, kundi ng mga taong napapaisip tungkol sa death penalty: anong uri nga ba ng hustisya, kung mayroon man, ang ibinibigay ng death penalty hindi lang sa mga naging biktima ng karahasan kundi pati na rin sa ating buong sambayanan? Hindi kaya’t karahasan din? Sa pagpapataw ng kaparusahang bitay, hindi ba’t ipinagpapatuloy lamang natin ang kultura ng kasamaan? Tunay nga bang makatarungan ang hindi natin pagsupil sa kultura ng kamatayan?
Ganito po ang punto ng pinakahuling sulat-pastoral ng CBCP na lumabas noong nakaraang linggo. Nakatuon ito para sa mga tagapagpatupad ng batas sa harap ng pagdami ng kaso ng pagpatay sa mga sinasabing nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot at ilan pang kriminal na hindi man lamang nadinig ang kaso sa hukuman. Tinutuligsa ng pastoral letter ang tinatawag na vigilantism o ang pagsugpo sa masasamang elemento sa lipunan batay lamang sa sariling pagpapasya.
Mga Kapanalig, wala sa kamay ng iisang tao o grupo ang pagpapatupad ng batas lalo na kung buhay ang ginagawang kapalit. Tungkulin nating lahat, hindi lang ang mga tagapagpatupad ng batas, na pigilan ang paglaganap ng karahasan. Lumalahok tayo sa paglaganap ng kultura ng kamatayan kung pinipili nating manahimik at manatiling walang pakialam.
Naniniwala at umaasa ang Simbahan na ang lahat ng nagkasala ay may kakayahang pagsisihan ang kanilang nagawa at magpasyang magbago. Ayon nga kay Pope Francis sa mensahe niya sa World Congress Against Death Penalty noong nakaraang linggo, napapanahon ang pagtataguyod ng rehabilitation o pagbabagumbuhay lalo pa’t ipinagdiriwang natin ang Taon ng Awa at Habag. Ang Diyos ng Awa ang siyang nagkaloob ng buhay sa lahat ng Kanyang nilalang, hindi lang sa mga walang kasalanan, pati rin sa mga nagkasala. Kaya’t marapat lamang na pahalagahan ang buhay, at ipagtanggol ito laban sa anuman o sinumang nais tapusin ito, sumailalim man sa proseso o hindi.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 37,943 total views

 37,943 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,599 total views

 52,599 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,714 total views

 62,714 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 72,291 total views

 72,291 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 92,280 total views

 92,280 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 37,944 total views

 37,944 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,600 total views

 52,600 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,715 total views

 62,715 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 72,292 total views

 72,292 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 92,281 total views

 92,281 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,321 total views

 49,321 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,346 total views

 44,346 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,915 total views

 47,915 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,370 total views

 60,370 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,437 total views

 71,437 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,756 total views

 77,756 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,366 total views

 82,366 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,926 total views

 83,926 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,487 total views

 49,487 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,664 total views

 69,664 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top