5,062 total views
Itinuturing ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na naging platform ng Simbahang Katolika ang “digital technology” sa pagpapalaganap ng mabuting balita (Good news) sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng C-B-C-P na sa kasalukuyan ay nata-transform ang digital technology na maging daluyan ng “Good news of the kingdom of God”.
Aminado si Bishop David na kailangan ng Simbahan na mas maramdaman sa social media upang maibahagi ang mabuting balita ng Panginoon sa pamamagitan ng epektibong pamamaraan.
“Ngayon, nata-transform ang digital technology for witnessing the Good News of the Kingdom of God. Kailangan ng Simbahan na mas maramdaman sa Social Media, we are able to communicate it in a creative way, dahil bagong plataporma ito.”pahayag ni Bishop David sa programang “Pastoral visit on-air” sa Radio Veritas
Sinabi ng Obispo na dati-rati ay ginagamit ang social media sa commercialism, pornography at pagto-toll sa pulitika na hinahayaan lamang ng taumbayan.
“Ang social media, dati-rati gamit iyan sa mga bagay na katulad ng komersiyalismo, pornography, pag-to-toll sa pulitika at hinahayaan lang natin”. Pahayag ng Obispo
Gayunman sa kasalukuyan, inihayag ni Bishop David na dahil sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic ay naging lifeline ng tao ang digital technology sa pakikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay at kapwa dahil sa umiiral na social distancing.
Iginiit ng Obispo na dahil sa social media at digital technology ay nawala ang pagiging “socially distant” ng bawat isa.
“We are not present there. Now I think dahil sa panahon ng pandemya, lahat tayo naging lifeline natin ang digital technology. Hindi tayo puwedeng mabuhay nang wala tayong connectivity sa internet. We can be physically distant, but not socially distant from each other.”pagtitiyak ni Bishop David