194 total views
Pabor ang Diocese of Cubao sa napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na tanggalin na ang mga terminal ng bus sa EDSA na sanhi ng masikip na daloy ng trapiko.
Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, kung yun lamang ang solusyon upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA ay kailangang makiisa at maisakripisyo ng mga may – ari ng provincial buses ang kanilang terminal.
Naniniwala rin si Bishop Ongtioco na ito na ang tamang paraan na magpapaginhawa sa mga commuters upang makatipid sila sa gastusin dulot ng trapik.
“Pero palagay ko mga nase – serve sa gobyerno sa ating mamamayan isa lamang ang kanilang pakay para madecongest at makatipid tayo in general. Kasi kapag mahaba ang traffic ayon sa survey ay malaki ang nagagasta ng tao. Pero kung mas nagiging mas magaan ang traffic para makatipid ang plano noon pa ay ilagay yan sa bukana ng city at huwag sa loob ng siyudad,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtico sa panayam ng Veritas Patrol.
Tinukoy naman ng Metro Manila Development Authority o MMDA na aabot sa 85 provincial bus companies na karamihan ay matatagpuan sa Cubao at Balintawak sa Quezon City at Taft Avenue sa Manila.
Tinataya ring nasa 3, 300 ang provincial buses at 12, 000 city buses ang gumagamit ng EDSA araw – araw.
Nauna na ring tinutulan ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity chairman at Manila Auxiliary Bishopo Broderick Pabillo ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “emergency powers” upang solusyunan ang problema ng trapik sa Metropolis.