246 total views
Pinaalalahanan ng Obispo ang mga naglalaro ng “pokemon go” na ang mga Simbahan ay para sa pananalalangin at pagsamba hindi para sa mga manlalaro nito.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, ang addiction ay may ibat-ibang anyo tulad ng paglalaro ng “pokemon go” na ngayon ay kinahuhumalingan ng mga kabataan at maging ng mga matatanda.
Ipinaalala ni Bishop Cabantan sa lahat na iwasang maging addict sa paglalaro ng “Pokemon go” upang makatutok tayo sa mga importanteng mga bagay para sa ikalalago ng ating buhay.
Iginiit ng Obispo sa lahat na pagsumikapan na maging addict sa Diyos sa halip na maging addict sa mga bagay o sa paglalaro ng pokemon go na magpapalayo sa atin sa Diyos.
“Hindi dapat. Kasi sa Simbahan ay place of prayer not for players. Addiction has many forms and we should be aware of that so we can focus our life to what is essential. Strive to be “addicted to Christ” than to be addicted with those object’s that keep us away from the Lord, the source of life,”paalala ni Bishop Cabantan.
Sa Estados Unidos naitala na umaabot sa may 5 hanggang 25-milyong tao ang naglalaro ng Pokemon go sa loob lamang ng 1-buwan nang dumating sa kanilang bansa ang game application na ito.
At sa Pilipinas, agad-agad naging cultural phenomenon ang “pokemon go” kung saan umabot agad sa 21-milyong katao ang nahuhumaling sa laro at ibat-ibang establisyemento maging mga Simbahan ay kasali sa mga “pokemon stop o kasama sa GPS data” na kinaroroonan ng mga computer generated elements na pokemon o pocket monsters.