648 total views
Tinukoy ng Greenpeace Philippines na malaki ang iniaambag ng mga Fossil fuel Industry sa pagbabago ng ating klima.
Ayon kay Anna Abad ā Climate Justice Campaigner ng Greenpeace Philippines, ang carbon dioxide na ibinubuga ng Fossil fuel industry sa hangin ay nag-aambag sa pag-init ng mundo na nagiging resulta rin ng malimit na pagbabago-bago ng klima.
Dahil dito, inihayag ni Abad na nararapat din maimbestigahan at mapanagot ang mga kumpanyang mapapatunayang may lubhang mataas na carbon emissions.
āAng nire-request natin ay maimbestigahan itong mga kumpanya, that have been historically responsible for contributing to climate change. So itong mga big oil, coal and gas companies, basically fossil fuel industry, as we know it dahil sa simula ng industrialization, nag pa-pump sila ng carbon dioxide emission sa atmosphere, ngayon, ito yung isa sa mga contributing factors kung bakit nararanasan natin ngayon yung climate change,ā pahayag ni Abad sa Radyo Veritas.
Natukoy ng United States Environmental Protection Agency, na ang mga coal power plants ang pangunahing dahilan ng pagdami ng carbon emissions na naiipon sa kalawakan na siya namang dahilan ng paginit ng mundo.
Una nang naiulat ng Center for Global Development na ang Pilipinas ay pang 32 sa limampung mga bansang may pinaka mataas na carbon emission kung saan umabot sa 35,900,000 tons of CO2 emissions ang ibinubuga ng mga planta sa Pilipinas kada taon.