Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buhay ng mga Pilipino ang nakataya

SHARE THE TRUTH

 184 total views

Mga Kapanalig, may kumakalat na biro sa social media tungkol sa pagtugon ng ating pamahalaan sa pandemya ng COVID-19. Kung ang ibang bansa ay nasa phase 1, phase 2, o phase 3 na ng kanilang paglilinang ng bakuna laban sa nakahahawang sakit na ito, ang Pilipinas daw ay nananatili sa face shield.

 


Sa Singapore, dumating na ang unang shipment ng bakunang kanilang inangkat, at uunahin nilang babakunahan ang mga pinakalantad sa sakit katulad ng mga frontline at healthcare workers. Inaasahan nilang mababakunahan ang lahat ng Singaporean sa pagtatapos ng taóng ito. Libre din itong ibibigay sa lahat. Ang Vietnam naman, may sariling vaccine na nililikha, at target nilang ilunsad ito sa kalagitnaan ng taon. Prayoridad ng pamahalaan doong magkaroon ng sarili nilang bakuna upang matiyak na mababakunahan ang halos 100 milyong populasyon ng bansa.

 

Una na ngang nagbakuna ng mga mamamayan nito ang bansang United Kingdom na sinundan naman ng iba pang mayayamang bansa sa Amerika at Europa. Oras ang hinahabol ng mga pamahalaan ng iba’t ibang bansa upang iligtas ang kanilang mga mamamayan sa sakit na nakahawa sa 78 milyong katao at bumawi sa buhay ng 1.73 milyong katao sa buong mundo. Kaya naman, sa kanyang Urbi et Orbi noong Pasko, nanawagan si Pope Francis para sa pagkakaisa ng mga bansa upang tiyaking mabibigyan ng bakuna at gamot ang mga nasa mahihirap na bansa.

 

Ang mas nakababahala pa, mayroon na ngayong bagong strain ng virus na sanhi ng COVID-19. Una itong natuklasan sa United Kingdom at kumalat na sa iba’t ibang bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, mayroon na rin daw kaso sa Sabah, Malaysia, kaya todo-bantay daw ang pamahalaan sa Jolo, at may mga mungkahi ngang magkaroon na ng travel ban. Ngunit para kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat ikonsidera ang travel ban kung mayroon nang community transmission sa bansang pinagmulan ng bagong coronavirus strain. Nalimutan yata ng kalihim na isinailalim ang UK sa pinatinding lockdown dahil nga kumakalat na ang bagong strain doon. Habang pinag-iispan ng mga lider natin ang pagpigil sa pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa, nagpunta ang DOH secretary sa isang pamilihan upang paalalahanan ang mga mamimili, gamit ang isang metrong yantok, na panatilihin ang physical distancing.

 

Samantala, napag-alaman natin noong isang linggo na may mga sundalo at opisyal ng pamahalaan na ang naturukan ng bakunang gawa mula sa China. Ito ay kahit wala pang inaaprubahang bakuha ang ating Food and Drugs Administration (o FDA). Itinanggi ng kinauukulan noong una na kumpirmahin ang sinabi mismo ni Pangulong Duterte ngunit kalaunan, nalaman nating mga miyembro ng Presidential Security Group at ilang high-ranking officials ng Sandatahang Lakas ang binakunahan. Ang mas nakapagtataka pa, ipinipilit ng pamahaaan ang paggamit ng isang bakunang gawa sa China kahit pa napakababa ng tinatawag na efficacy rate nito at mas mahal ito kumpara sa ibang bakuna na mas mataas ang efficacy rate.

 

Sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan, mapapatanong tayo: talaga bang isinasaalang-alang ng ating mga pinuno ang ating kapakanan? Buhay nating mga Pilipino ang nakatayâ, ngunit bakit may mga detalyeng ngayon lang natin nalalaman? Bakit parang hindi tayo natuto sa pagbabalewala sa travel ban? Bakit nananatili tayo sa mga pangunahing health restrictions sa halip na unahin ang pagkuha ng bakunang epektibo ngunit abot-kaya?

 

Mga Kapanalig, mainam na paalala sa ating mga pinuno ang nasasaad sa Mga Gawa 20:28: “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa.” Nariyan ang ating mga lider upang pangasiwaan tayo nang mabuti, at unahin—hindi ang ikompromiso—ang ating kapakanan at kaligtasan.

 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 19,044 total views

 19,044 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 33,700 total views

 33,700 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 43,815 total views

 43,815 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 53,392 total views

 53,392 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 73,381 total views

 73,381 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 19,045 total views

 19,045 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,190 total views

 2,190 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 33,701 total views

 33,701 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 43,816 total views

 43,816 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 53,393 total views

 53,393 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 73,382 total views

 73,382 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,635 total views

 47,635 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,660 total views

 42,660 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,229 total views

 46,229 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,684 total views

 58,684 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,751 total views

 69,751 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,070 total views

 76,070 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,681 total views

 80,681 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,241 total views

 82,241 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,802 total views

 47,802 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top