Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manigong bagong taon mula sa PhilHealth

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Mga Kapanalig, sasalubungin ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (o PhilHealth) ang bagong taon nang may mas malaking kontribusyong kailangang bayaran.

Alinsunod daw ito sa Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Law na nagmamandato ng pagtataas ng tinatawag na premium rate batay sa kinikita ng mga miyembro ng PhilHealth. Sa 2021, ang kontribusyon sa PhilHealth ay dapat katumbas ng tatlong porsyento ng ating kinikita o sinasahod sa isang buwan. Kung ang isang miyembro ay kumikita ng sampung libong piso pababa, ang premium na kanyang babayaran bawat buwan ay ₱350. Kung nasa pagitan ito ng ₱10,000 at ₱69,999, pinakamataas na ang monthly premium na ₱2,449. Nasa ₱2,450 kada buwan naman ang premium ng mga PhilHealth members na ang basic salary sa isang buwan ay mahigit ₱70,000.

Kinikilala naman daw ng PhilHealth na maraming kasapi nito ang naapektuhan ng pandemya at maaaring nawalan ng trabaho o hanapbuhay. Ngunit kailangan daw nilang sundin ang batas na layong alalayan ang 110 milyong Pilipino sa kanilang pagkakasakit o pagkakaospital. Kailangan daw dagdagan ang kontribusyon ng mga kasapi upang magkaroon ang PhilHealth ng sapat na pondo lalo pa’t halos maubos ito dahil sa pandemya.

Maraming kasapi ng PhilHealth ang umalma sa anunsyong nito, lalo pa’t hindi pa rin natutuldukan ang kontrobersya ng pagnanakaw umano ng ilang opisyal ng ahensya. Kung inyong matatandaan, may mga whistleblowers ang nagsabing aabot sa 15 bilyong piso ang ibinulsa ng mga tiwaling tauhan ng PhilHealth at mga kasabwat nilang clinics, ngunit hanggang ngayon, wala pa ring naparurusahan at napananagot. Ipinagmamalaki ni Pangulong Duterte na marami na siyang sinibak sa puwesto at mayroon pang nasa listahan ng mga paalisin, ngunit patuloy pa ring hinahanap ang bilyon-bilyong pisong iniambag ng mga kasapi ng PhilHealth at nawala sa katiwalian. Biro ng mga netizens tungkol sa pagtataas ng monthly premium contribution sa PhilHealth, mag-aambagan na naman ang mga miyembro para sa pondong ibubulsa ng mga kurakot.



Sa taas ng gastusin sa pagpapaospital, ang kasabihang “health is wealth” ay para bang naging “health is for the wealthy.” Dahil hindi naman lahat ng gastusin sa ospital ay sagot ng PhilHealth, may mga kababayan pa rin tayong nakaasa sa mga pribadong health insurance na malaking gastusin din. Ngayong hindi pa rin epektibong nakokontrol ng pamahalaan ang pagkalat ng COVID-19, talaga namang napakahirap magkasakit. Mahal pa rin ang pagpapagawa ng swab test at mas lalong magastos ang pananatili sa ospital. Kaya naman, marami sa ating mga kababayang may sakit ang tinitiis na lamang ang kanilang karamdaman, hindi na lang nagpapatingin sa doktor, at hindi na lang umiinom ng gamot. May ilang namamatay dahil hindi nadala sa ospital o dahil wala namang pambayad sa pagpapagamot.

Maganda ang layunin ng Universal Health Care Law dahil pagagaanin nito ang bigat ng pagpapaospital ng mga kababayan nating mahirap. Ngunit mahirap ding tanggaping ang pondong iniaambag ng mga kasapi ng PhilHealth ay hindi napupunta sa mga dapat na makinabang dito. Ito ang ikinakasama ng loob ng marami sa balitang pagtataas ng monthly premium ng ahensya.

Minsan nang sinabi ni Pope Francis na binubura ng katiwalian ang tiwala ng publiko at ang integridad ng mga institusyon sa ating lipinan. Sinisira nito ang ating dignidad at binabasag ang lahat ng mabubuti at magagandang adhikain. Kabalintunaang ang ahensyang katulad ng PhilHealth na dapat nagtitiyak sa kalusugan ng mamamayan ay nababalot ng katiwaliang inihalintulad ni Pope Francis sa kanser.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Kawikaan 29:2: “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.” Malinaw na hindi tayo nagsasaya sa nagpapatuloy na katiwalian sa pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,076 total views

 27,076 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,732 total views

 41,732 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,847 total views

 51,847 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,424 total views

 61,424 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,413 total views

 81,413 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 27,077 total views

 27,077 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,796 total views

 2,796 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,733 total views

 41,733 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,848 total views

 51,848 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 61,425 total views

 61,425 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,414 total views

 81,414 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,384 total views

 48,384 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,409 total views

 43,409 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,978 total views

 46,978 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,433 total views

 59,433 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,500 total views

 70,500 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,819 total views

 76,819 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,430 total views

 81,430 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,990 total views

 82,990 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,551 total views

 48,551 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top