Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Pabillo, pinasalamatan ang mga deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

 403 total views

Nagpasalamat ang tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila sa Panginoon at sa kooperasyon ng mga deboto sa pagdiriwang ng pista ng Poong Nazareno.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo naging maayos ang buong selebrasyon dahil sa pagtutulungan ng lahat lalo na ng mga deboto.

“Tayo po ay nagpapasalamat sa biyaya ng Diyos na natapos ang ating selebrasyon [Traslacion] nang mapayapa at maayos at sa kooperasyon ng mga deboto na talagang sumunod sa mga patakaran,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Pinasalamatan din ng obispo ang mga pari ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pangunguna ni Rev. Msgr. Hernando Coronel na gumawa ng mga inisyatibong makipag-ugnayan sa mga parokya hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan upang mabawasan at maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Matatandaang maraming simbahan sa NCR ang nagsagawa ng mga novena masses para sa Traslacion habang isinagawa naman ng Quiapo Church ang ‘PAGDALAW’ kung saan dinadala ang imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa iba’t ibang simbahan sa Luzon.

Kinilala rin ni Bishop Pabillo ang partisipasyon ng mga volunteer groups na tumulong sa pagsasaayos at pagpatupad ng mga minimum health protocol kabilang na ang mga hijos del nazareno, medic, at mga religious organizations ng basilica.

“Maluwag ang ating loob na natapos itong malaking selebrasyon; napahayag ng mga tao ang kanilang debosyon, ang kanilang pagmamahal sa Poong Nazareno at naging maayos sa pagtutulungan ng bawat isa,” ani Bishop Pabillo.

Pinasalamatan din ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis ang lokal na pamahalaan, Philippine National Police, at mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health na nagbigay pahintulot na maisagawa ang selebrasyon ng pista ng traslacion.
Batay sa tala humigit kumulang 300, 000 deboto ang nagtungo sa Quiapo Church para masilayan ang Poong Nazareno at makadalo ng mga Banal na Misa.



Bagamat marami ang bumabatikos dahil sa maaring magdulot ito ng paglaganap ng corona virus inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na sa kabuuan maayos ang pagdiriwang at naipatupad ang mga safety protocol para mapangalagaan ang kalusugan ng mga deboto.

Mensahe naman ni Bishop Pabillo sa mga deboto na hayaan na lamang ang mga pumupuna; mahalagang naipagdiwang ang pista ng Poong Nazareno na mapayapa at maayos na nakapagpuri sa Diyos ang mga deboto.

“Hayaan na natin yung mga pagsasalita nila, huwag na nating pansinin; ang mahalaga ginawa natin ng mabuti, nakatulong tayo sa napakaraming mga tao at nagpuri sa Diyos,” dagdag ng obispo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,486 total views

 27,486 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,142 total views

 42,142 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,257 total views

 52,257 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,834 total views

 61,834 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,823 total views

 81,823 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Pagkakaisa ng mananampalataya sa Diocese of San Pablo, panalangin ni Bishop Maralit

 973 total views

 973 total views Umaasa si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. na magbuklod ang pamayanan ng Laguna para sa pag-unlad ng pananampalataya. Ito ang pahayag ng obispo makaraang pormal na mailuklok bilang ikalimang pastol ng diyosesis nitong November 21 sa ritong pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa St. Paul the First Hermit Cathedral.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pagkakataon na makapag-aral sa EUROPA, inaalok ng EU

 5,045 total views

 5,045 total views Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino tulad ng edukasyon. Umaasa si Dr. Ana Isabel Sánchez-Ruiz, Deputy Head of Delegation ng European Union Delegation to the Philippines na mas maraming Pilipino lalo na ang mga kabataan na makinabang sa Erasmus Mundus na isang programa ng EU. “The

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 5,679 total views

 5,679 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 5,727 total views

 5,727 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 5,790 total views

 5,790 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 7,520 total views

 7,520 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 8,002 total views

 8,002 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 8,082 total views

 8,082 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 8,086 total views

 8,086 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 8,115 total views

 8,115 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 9,099 total views

 9,099 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 10,396 total views

 10,396 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 10,427 total views

 10,427 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 11,094 total views

 11,094 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 11,227 total views

 11,227 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top