Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katarungan para sa katutubong Tumandok

SHARE THE TRUTH

 299 total views

Mga Kapanalig, habang inaabangan ng mga Pilipino ang pagsapit ng bagong taon, marahas ang sinapit ng ilang mga katutubo sa isla ng Panay. Kinilalang mga lider at mga miyembro ng Tumandok indigenous group ang 9 na pinaslang at 17 inaresto sa magkasamang operasyon ng pulisya at militar sa isla ng Panay noong ika-30 ng Disyembre. Nakababahalang walang pinipiling pagkakataon at panahon ang mga pagpatay sa ating bansa.

Ayon sa pahayag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (o PNP-CIDG), nagkaroon ng engkwentro at nanlaban ang mga katutubong lider noong isinasagawa ang operasyon. Mariing itinanggi ng ilang kamag-anak ng mga pinaslang at ng Panay Alliance Karapatan na nanlaban ang mga katutubong-lider. Itinanggi rin ng grupo ang paratang ng pulisya at militar na miyembro at mga tagasuporta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (o CPP-NPA) ang mga IPs. Ginagamit lamang daw ng mga awtoridad ang mala-tokhang na naratibong “nanlaban” at ang tumitinding red-tagging upang bigyang katwiran ang walang habas na pamamaslang.

Kasapi ang mga nasawi sa isang indigenous organization na Tumandok nga Mangunguma nga Nagapangapin sa Duta kag Kinabuhi (o TUMANDUK mula sa Tumandok tribe), isang organisasyong tumututol sa pagpapatayo ng Jalaur River Multipurpose Project, isang mega dam project sa Calinog, Iloilo. Sa isinagawang Environmental Investigation Mission (o EIM) ng Advocates of Science and Technology for the People (o AGHAM) at Jalaur River for the People Movement, kinumpirmang hindi hiningian ng Free Prior Informed Consent (o FPIC) ang mga katutubo upang tiyaking nabigyan sila ng sapat na impormasyon at nauunawaan nila ang gagawin bago magsimula ang proyekto.



Dagdag pa rito, hindi natutugunan at naipararating sa kinauukulan ang mga posibleng peligro ng naturang mega dam. Naka-ugat sa negatibong epekto sa kapaligiran at implikasyon sa kanilang hanapbuhay at tahanan ang pagtutol ng mga katutubong Tumandok laban dito. Labingwalong barangay kasi ang matatamaan sa bilyon-pisong proyekto ng gobyerno, na kung saan karamihan ay ancestral lands o lupaing ninuno ng Tumandok community. Dahil dito, kinondena ng iba’t-ibang organisasyon ang pagpaslang sa mga lider-katutubo at binigyang-diin sibilyan sila at hindi armado. Dagdag ng mga grupong ito, itinataguyod lamang nila ang mga karapatan at interes ng mga magsasaka at mga katutubo sa isla ng Panay.

Matagal nang biktima ng diskriminasyon, karahasan, at pananamantala ang mga kababayan nating katutubo. Marami sa kanila ang hinuhusgahan dahil sa kanilang hitsura, kultura, at antas ng pamumuhay. Biktima rin sila ng pang-aagaw ng kanilang lupaing ninuno at ang walang humpay na militarisasyon at red-tagging. Kabilang din sila sa mga environmental defenders o mga tagapagtanggol ng kalikasan na napapatay. Ayon sa ulat ng Global Witness, tatlo sa sampung napapatay na tagapagtanggol ng kalikasan sa bansa ay mga katutubo.

Naninindigan ang Simbahan na walang pinipili ang pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng tao. Iba man ang pananampalataya’t kultura ng mga katutubo, sila ay kapwa nating nagmula sa pag-ibig ng Diyos. Malinaw na nakasaad sa mga Panlipunang Turo ng Simbahan ang pagpapahalaga sa dignidad at buhay ng tao. Sagrado at hindi maaaring labagin ang karapatan ng bawat taong mabuhay, kaya kailangan nating ipamalas ang malasakit sa buhay ng lahat ng tao sa anumang sitwasyon at pagkakataon. At tulad ng paalala ni Pope Francis sa Laudato Si’,  pahalagahan natin ang pagbibigay respeto sa mga katutubong komunidad at kanilang mga tradisyon at kultura.

Mga Kapanalig, pakinggan natin ang daing ng mga kapatid nating katutubo. Maging mulat tayo sa pagkasira’t pagkawala ng kanilang mga tahananan, kultura, at buhay at nawa’y magsalita tayo sa gitna ng mga karahasang ginagawa sa kanila. Sa panghihimok nga ng Kawikaan 31:8, “ipagtanggol ang karapatan ng mga taong kahabag-habag, na hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,904 total views

 31,904 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,560 total views

 46,560 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,675 total views

 56,675 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,252 total views

 66,252 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,241 total views

 86,241 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 31,905 total views

 31,905 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,086 total views

 3,086 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,561 total views

 46,561 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,676 total views

 56,676 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 66,253 total views

 66,253 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,242 total views

 86,242 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,795 total views

 48,795 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,820 total views

 43,820 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,389 total views

 47,389 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,844 total views

 59,844 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,911 total views

 70,911 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,230 total views

 77,230 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,841 total views

 81,841 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,401 total views

 83,401 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,962 total views

 48,962 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top