386 total views
Umaasa ang opisyal ng migrant’s ministry Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maging matatag at magtataguyod sa karapatan ng mamamayan ang administrasyon ni US President Joe Biden.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ng CBCP-ECMI at Bishop promoter ng Stella Maris-Philippines nawa’y isabuhay ni Biden ang pagiging Katoliko sa pamamahala nito sa Estados Unidos.
“As Catholic may he pursue our teachings of respect and protection of life; responsible stewardship of the earth and promotion of peace,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Dagdag pa ni Bishop Santos, kasabay ng pagdeklara ng Kanyang Kabanalan Francisco sa taong 2021 bilang Year of Saint Joseph nawa’y maging daan ang administrasyong Biden sa pangangala sa mamamayan ng Amerika sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon, pananaw at pinagmulan.
“May the president [Biden] take good care, charity and compassion with plight of migrant families, and our dear seafarers,” ani ng obispo.
Enero 20, nang manumpa si US President Biden at Vice President Kamala Harris bilang bagong pinuno ng America.
Sa tala ng Migration Policy Institute noong 2018 mahigit sa dalawang milyon ang mga Filipino sa Estados Unidos o katumbas sa 4.5 poryento sa kabuuang 44-milyong mga migrante ng Amerika.
Patuloy namang ipinapanalangin ng simbahan ang matagumpay na pamumuno ni Biden sa Amerika.
“CBCP-Stella Maris-Philippines pray hard and it is our ardent hoep that President Biden with his administration will be safe, strong and successful in his term and tenure,” dagdag ni Bishop Santos.