Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang espasyo para maging malaya

SHARE THE TRUTH

 171 total views

Mga Kapanlig, noong isang linggo, tinapos ni Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense (o DND) ang higit tatlong dekadang kasunduan sa pagitan ng kanyang kagawaran at Unibersidad ng Pilipinas. Batay sa kasunduang iyon, hindi maaaring pumasok o magsagawa ng operasyon ang mga sundalo at pulis sa loob ng unibersidad nang hindi nakikipag-ugnayan sa administrasyon ng unibersidad. Ang 1989 UP-DND Agreement ay produkto ng mahabang kasaysayan ng ating pagkatuto mula sa Martial Law at karahasang dulot nito sa mga mag-aaral at propesor na kritikal sa diktaduryang Marcos.

Ayon kay Secretary Lorenzana, nagiging “safe haven” na raw ang UP ng mga tinawag niyang “enemies of the state.” Ang pagtapos sa kasunduan ay isa raw hakbang upang tapusin ang insurgency sa bansa. Naniniwala ang DND na ginagamit ng mga komunistang grupo ang unibersidad upang manghikayat ng mga kabataang sumapi sa kanila. Batay ito sa listahan ng DND ng mga estudyante mula sa UP na napatay sa mga engkwentro ng sundalo at mga komunista sa kanayunan. Layunin din daw ng pagtatapos ng kasunduan na protektahan ang mga estudyante mula sa mga recruiters ng New People’s Army (o NPA).

Ikinadismaya ng marami ang unilateral termination ng kasunduan. Para kay UP President Danilo Concepcion, hindi kinakailangan at hindi kanais-nais ang naging hakbang ng DND na hindi man lang kumonsulta sa unibersidad. Dagdag pa niya, maaari itong makasira sa ugnayan ng dalawang institusyon, at magdulot nang higit na kaguluhan at kawalan ng tiwala ng komunidad ng UP sa mga mga pulis at sundalo. Wala rin daw inilatag na malinaw na hakbang ang DND sa pagtatapos ng kasunduan upang masigurong mapananatili ang proteksyong iginagawad ng kasunduan.

Nabahala rin ang iba’t ibang presidente ng UP campuses, mga organisasyon, at konseho ng mga mag-aaral at alumni ng unibersidad, maging mga propesor at samahan mula sa ibang unibersidad. Nangangamba silang maaaring masikil ang academic freedom dahil sa takot na idudulot nito sa malayang talakayang mahalaga upang mahubog ang kritikal na kaalaman at kamalayan ng mga estudyante. Maaari ding magkaroon ng mga hadlang sa mga mapayapang kilos-protesta sa unibersidad na humihikayat sa aktibong pakikilahok ng mga kabataan at propesor sa buhay ng ating bayan.



Sinasabi ng panlipunang turo ng ating Simbahan na ang kalayaan ay naigagalang kung ang bawat tao ay napahihintulutang kamtin ang kanyang bokasyon, hanapin ang katotohanan, ipahayag at sundin ang kanyang mga paniniwala at opinyon, nang naayon sa kabutihang panlahat at napapanatili ang kaayusan. Kaugnay nito, palatandaan din ng kalayaan ang kakayahang maghayag ng pagtanggi sa anumang maaaring humadlang sa kanyang kaunlaran at ng kanyang pamilya at bayan. Samakatuwid, ang kalayaan ng may paggalang sa kabutihang panlahat ay mahalaga upang maitaguyod ang dignidad ng bawat tao at ng kanyang lipunang ginagalawan.

Kaya naman, hindi makatuwiran na ilagay sa alanganin ang academic freedom, freedom of expression at freedom to peaceful assembly na malago sa UP (at marami pang unibersidad sa bansa) para sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga komunistang grupo. Sa katunayan, ang kahirapan at kawalang-katarungan—hindi ang malaya at kritikal na mga diskusyon o mga mapayapang kilos-protesta—ang maaaring mag-udyok sa mga kabataang umanib sa mga rebeldeng grupo. Kaya ang pinakaepektibong hakbang upang tuldukan ang insurgency sa bansa ay ang tugunan ang kahirapan at pairalin ang katarungan sa ating bayan.

Mga Kapanalig, hindi yayabong ang kalayaan ng tao kung balót siya ng takot. Ang mga unibersidad ay mahahalagang lugar upang linangin ng mga kabataan ang kanilang kamalayan at isabuhay ang kanilang kalayaan. Kinakailangang maibigay sa kanila ang espasyong ito sapagkat, gaya nga ng nasasaad sa Galacia 5:13, “tinawag tayo upang maging malaya… nang makapaglingkod sa isa’t isa sa diwa ng pag-ibig.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 30,138 total views

 30,138 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,794 total views

 44,794 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,909 total views

 54,909 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,486 total views

 64,486 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,475 total views

 84,475 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 30,139 total views

 30,139 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,967 total views

 2,967 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,795 total views

 44,795 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,910 total views

 54,910 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 64,487 total views

 64,487 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,476 total views

 84,476 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,625 total views

 48,625 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,650 total views

 43,650 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,219 total views

 47,219 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,674 total views

 59,674 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,741 total views

 70,741 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,060 total views

 77,060 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,671 total views

 81,671 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,231 total views

 83,231 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,792 total views

 48,792 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top