Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bakit dapat alamin ang presyo ng bakuna?

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Mga Kapanalig, tikom pa rin ang bibig ng mga nangagasiwa sa pagbili ng ating pamahalaan ng bakuna kontra COVID-19 tungkol sa presyo ng mga ito, partikular na ang mga bakunang bibilhin natin sa Sinovac BioTech ng China. Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing kailangan talagang isikreto ang presyo ng bakuna dahil mayroon tayong “confidentiality agreements” sa mga pharmaceutical companies. Ito raw ang kalakaran sa industriya ng gamot kaya aniya, “bulung-bulungan muna.” Aba, parang nasa pamilihan lamang ng isda, ‘di po ba?

Giit pa niya, kung babaliin natin ang mga kasunduang ito sa pamamagitan ng pagsasapubliko sa halaga ng mga bibilhin nating bakuna, maaari raw makansela ang pagdadala sa atin ng kinakailangan nating bakuna. Hindi rin daw ito magiging patas sa ibang bansa na baka raw malugi kung malalaman nila kung magkano natin binili ang bakuna mula sa Sinovac. Aabot sa 25 milyong doses ng CoronaVac, ang bakunang nilinang at ibinibenta ng Sinovac, ang na-secure na umano ng pamahalaan.

Sa impormasyong nakalap ni Senador Ping Lacson, ang isang dose ng CoronaVac ay nagkakahalaga ng limang dolyar o ₱240 sa mga bansang kapitbahay natin sa Southeast Asia. Pero sa Pilipinas, aabot daw ito sa 38 dolyar o mahigit ₱1,800 kada dose. Napakalayo sa presyo sa ibang bansa, kung tama nga ang napag-alaman ng senador. Sa halip na linawin ang isyu, sinabi lamang ng tagapagsalita ng pangulo na si Secretary Harry Roque at ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na ang bawat dose ng Sinovac ay mula ₱650 hanggang ₱700, ilang daang piso pa ring mas mataas sa sinasabing halaga nito sa ibang bansa.



Bakit mahalagang malaman natin ang halaga ng bakunang bibilhin ng pamahalaan at gagamitin nito upang mailigtas nga tayo sa COVID-19?

Unang-una, kalusugan ng mga mamamayan ang nakataya rito. Noong isang linggo, lumampas na nga sa 500,000 ang nagpositibo sa COVID-19 bagamat mas nakararami naman ang mga gumaling at naka-recover na. Mahigit 10,000 na rin ang bilang ng mga namatay, bagamat napakalayo nito sa bilang na naitatala sa ibang bansa. Kaya napakahalagang ipinaliliwanag sa atin ng pamahalaan ang plano nito sa pagbabakuna upang hindi na lumala ang ating kalagayan. Saan man magmumula ang bakunang bibilhin natin, hindi lamang presyo ang ating kailangang alamin. Dapat ding epektibo ang mga ito, at lumalabas nga sa mga isinagawang pag-aaral na ang bakunang gawa ng Sinovac ay 50.4% lamang na effective. Malayo ito sa 95% ng Pfizer, at 94.5% ng Moderna, bagamat mas mahal ang mga ito kaysa sa bakuna ng Sinovac.

Ikalawa, karapatan nating malaman ang presyo ng mga bibilhin nating bakuna dahil pera ng bayan ang gagamiting pambili sa mga ito. Uutangin natin ang bilyong pisong pambili natin ng bakuna, at utang ito na babayaran natin at ng mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino. Ayon sa Department of Finance (o DOF), plano ng pamahalaang umutang ng 62.5 bilyong piso mula sa mga multilateral banks katulad ng World Bank at Asian Development Bank.

Ang kapakanan ng lahat ng mamamayan ang pangunahing tuon ng lipunan, at ang pamahalaan, na binubuo at pinatatakbo ng mga taong nabigyan ng awtoridad na mangasiwa, ang dapat na nangunguna sa pagkamit nito. Sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, sinasabing umiiral ang mga pulitikal na pamayanan at institusyon para sa kabutihang panlahat o common good. At taliwas sa common good kung hindi tapat ang mga namumuno sa mga pinamumunuan, kung may mga pinagtatakan sila at hindi lubusang ipinaliliwanag.

Mga Kapanalig, sa pagtitiyak na may bakunang makararating sa ating bansa, umaasa tayong isinasabuhay ng ating mga pinuno ang nasasaad sa Filipos 2:4 “Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 30,927 total views

 30,927 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,583 total views

 45,583 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,698 total views

 55,698 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 65,275 total views

 65,275 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 85,264 total views

 85,264 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 30,928 total views

 30,928 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,016 total views

 3,016 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,584 total views

 45,584 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,699 total views

 55,699 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 65,276 total views

 65,276 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 85,265 total views

 85,265 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,698 total views

 48,698 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,723 total views

 43,723 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,292 total views

 47,292 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,747 total views

 59,747 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,814 total views

 70,814 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,133 total views

 77,133 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,744 total views

 81,744 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,304 total views

 83,304 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,865 total views

 48,865 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top