Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga pinuno

SHARE THE TRUTH

 566 total views

Mga Kapanalig, nitong nagdaang linggo ay nailuklok bilang ika-46 na pangulo ng Estados Unidos si Joseph Biden matapos ang isang magulong yugto sa kasaysayan ng demokrasya sa bansang iyon. Pangalawang pagkakataon pa lamang ito na naghalal ang mga mamamayan ng Amerika ng isang Katoliko bilang pangulo; ang una ay si John F. Kennedy.



Marami ang nagsasabing ang kanyang pananampalataya ay nasa sentro ng pagkatao ni Joe Biden, at dahil dito, magiging napakalaking impluwensiya nito sa kanyang pamumuno sa makapangyarihang bansang Amerika. Sa katunayan, bago siya nanumpa bilang pangulo, dumalo siya sa isang church service sa isang Katolikong simbahang malapit sa US Capitol. Alam ng maraming sumubok at lalo pang nagpatatag ng kanyang pananampalataya ang personal na mga trahedyang dinaanan niya sa buhay: ang pagkamatay ng kanyang unang asawa at anak na babae sa isang aksidente, at ang pagkamatay ng kanyang anak na lalaki.

Napakalaki ng pagkakaiba ng mga patakarang isusulong ni Biden, bilang isang Democrat, sa mga patakaran ng sinundan niyang pangulo na si Donald Trump, na isang Republican. Subalit, higit sa pagkakaiba ng ideolohiya o patakaran, ang pagkatao niya ang pinakamahalagang dala-dala niya sa kanyang panunungkulan at paglilingkod sa kanyang mga kababayan at sa buong mundo. Tunay ngang ang pagkatao ng isang lingkod-bayan, lalo pa kung ito ay tunay na nakaugat sa pananampalataya, ang magbibigay-dahilan upang ibigay ng mga tao ang kanilang tiwala sa kanya.

Sa isang panayam niya noong siya ay bise-presidente pa lamang ay pinag-usapan niya ang kanyang pagiging isang Katoliko at ang impluwensiya ng mga turo ng Simbahang Katolika sa kanya. Sinabi niyang ang pinakasandigang pagpapahalagang nakuha niya mula sa mga panlipunang turo ng Simbahang Katolika ay ang dignidad ng tao at pagkiling sa mahihirap,  at ito ang batayan ng kanyang mga kilos at desisyon sa personal na buhay man o bilang pulitiko.

Kaya naman, matapos siyang manumpa bilang pangulo, ilan sa mga unang executive orders na kanyang pinirmahan ay may kinalaman sa pangangalaga ng dignidad ng tao. Isa rito ay ang pagbalik ng Amerika ng suporta nito sa World Health Organization upang makiisa sa global vaccination program na magsisigurong makakukuha ng bakuna ang mga mahihirap na bansa. Ang ikalawa ay ang pagsali muli ng Amerika sa Paris Agreement, ang pandaigdigang kasunduan kung saan nangangako ang mga malalaking bansang babawasan ang kanilang carbon emissions upang mapigilan ang pagtindi ng mga epekto ng climate change. Ang ikatlo ay ang pagsugpo sa “systemic racism” at pagtanggal sa mga hadlang sa pagkakapantay-pantay ng oportunidad na makatanggap ng serbisyong pampubliko.

Napakagandang mamalas na ang mga turo ng ating Simbahan ukol sa pagkakapatiran—na makikita sa pagkalinga sa mahihirap, pangangalaga sa kalikasan upang protektahan ang mahihinang mga komunidad, at ang pagsisigurong ang bakuna laban sa COVID-19 ay makararating sa  mga mahihirap na bansa—ay nailalapat sa mga kongkretong patakaran at kautusan ng isang gobyernong pinamumunuan ng isang taong pinahahalagahan ang dignidad ng tao. Kitang kita kung paanong, gaya ng sinasaad sa encyclical na Fratelli Tutti, ang pagkakapatiran, dahil ito ay nakaugat sa dignidad ng tao, ay magbubunga ng higit na mabuting uri ng pulitika.

Mga Kapanalig, sapagkat napakahalaga ng pulitika sa buhay panlipunan, ayon pa rin sa Fratelli Tutti, napakahalaga ng kung ano ang nasa puso ng mga namumuno. Maging ang Diyos ay sa puso tumitingin sa pagpili ng pinuno ng kanyang bayan. Wika nga niya kay Salomon sa unang aklat ng mga Cronica 28:9: “At ikaw naman, Solomon, anak ko, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at paglingkuran mo siya nang buong puso at pag-iisip, sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang ating damdamin at nauunawaan ang ating binabalak at iniisip.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 33,138 total views

 33,138 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,794 total views

 47,794 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,909 total views

 57,909 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,486 total views

 67,486 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,475 total views

 87,475 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 33,139 total views

 33,139 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,169 total views

 3,169 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,795 total views

 47,795 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,910 total views

 57,910 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 67,487 total views

 67,487 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,476 total views

 87,476 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,895 total views

 48,895 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,920 total views

 43,920 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,489 total views

 47,489 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,944 total views

 59,944 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,011 total views

 71,011 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,330 total views

 77,330 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,940 total views

 81,940 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,500 total views

 83,500 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,061 total views

 49,061 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top