252 total views
Pinapurihan ng isang Arsobispo si Department of Education Secretary Leonor Briones ng tanggihan ang pondong ibibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.
Ayon kay dating CBCP – President at retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, kahanga – hanga ang paninindigan ng kalihim na kailanman ay hindi dapat gamitin ang pera mula sa sugal para sa pagpopondo ng mga proyekto ng DepEd.
“The end does not justify the means. Ako ay sang – ayon diyan na nakakahiya na ang itutulong pa naman sa mga kabataan higit sa what is right and wrong, maliban lang sa bumasa at sumulat ay manggagaling pa sa sugal. Okay yun na marami pang pwedeng pagkunan ng pera na hindi sa PAGCOR nanggaling,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.
Tinutulan rin ng Anti – gambling advocate ang ganitong pamamaraan ng pamahalaan na inilalaan ang kinita mula sa halos 40 pasugalan sa bansa sa mga proyekto ng gobyerno.
Nakikita ni Arcbihshop Cruz na ito ay uri ng pagnanakaw sa moralidad ng mga maralita.
“Naku salamat sa Diyos, para naman yung edukasyon ay maging edukasyon ng kung ano ang tama at mali. You know the end does not justify the means. Sunod na ako ay magnanakaw sa iba para ibigay ko sa maralita mali yun. Baka ano ako nun Robinhood, hindi tama yung gawain ni Robinhood na yun na pinapalakpakan natin. Nanakawan niya yung iba tapos ibigay niya sa mahirap, no, no,” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.
Naunang binanngit ni PAGCOR chairman Andrea Domingo sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na tinanggihan ni Briones ang P12 bilyong pondo na kanilang inilaan para sa pagpapatayo ng mga bagong silid – aralan.
Nanindigan si Briones na tumaas naman ng 31-porsiyento ang pondo ng DepEd sa susunod na taon na may kabuuang P567 bilyon.