Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan sa Taal volcano, pinayuhang patatagin ang pananampalataya sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

 2,918 total views

Tiniyak ng dating Arsobispo ng Archdiocese of Lipa ang patuloy na pananalangin para sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan kaugnay sa posibleng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon kay Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles, hindi magtatapos sa kanyang pagreretiro ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa mamamayan lalo na sa bayan ng Taal na muling humaharap sa kawalan ng katiyahan kasunod ng mga naitalang pagyanig sa bulkan.

Pinayuhan ng Arsobispo ang mamamayan na manatiling matatag ang pananampalataya sa pamamagitan ng pananalangin sa Mahal na Birheng Maria upang gabayan at ipag-adya ng Panginoon ang lahat mula sa anumang sakuna.

“Ako ang inyong dating Arsobispo ng Lipa na bale apat na taon ng retire pero patuloy pa ring nagdadasal para sa inyong lahat lalo ang mga Taaleños, lalo yung mga nasa paligid ng Taal Lake. Ang aking advice sa lahat ay manatiling matatag sa pananampalataya, magdasal tayo sa Mahal na Birhen, Our Lady of Caysasay na talagang Batangueñang Batangueña at saka Our Lady of Mediatrix of All Grace hindi tayo pababayaan nila.” pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam sa Radio Veritas.

Pinaalalahanan naman ng Arsobispo ang bawat isa na patuloy na maging maingat at mapagmatyag sa aktibidad ng Bulkang Taal na bagamat hindi maitatanggi ang angking ganda ay maaari namang magdulot ng malawak na pinsala.

Binigyang diin rin ni Archbishop Arguelles ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan na biyaya ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Paliwanag Arsobispo, tulad ng nasasaad sa encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si babalik lamang sa tao ang sakunang maaring idulot ng kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan at kapaligiran.

“Pero mag-ingat din tayo, yang Taal Volcano talaga namang yan ay No Man’s Land maganda pride yan ng ating lalawigan at ng ating bansa pero ingat kayo diyan, sapagkat lalo kapag tayo ay malupit sa kalikasan hindi natin inaalagaan ay sabi nga ng ating Banal na Papa Francisco ‘Ang Diyos laging nagpapatawad, ang tao kung minsan nagpapatawad, pero ang kalikasan ay hindi nagpapatawad’, pero kung tayo ay lalapit sa Diyos lalo sa mga panahon ng Kuwaresma ay sinasabi kapag tayo ay reconcile with God ay tayo’y mapagmahal sa kapwa tao at tayo ay maalaga sa ating kalikasan.” Dagdag pa ni Archbishop Arguelles.

Samantala, nauna ng tiniyak ng Social Action Center ng Archdiocese of Lipa ang kahandaan kaugnay sa pinangangambahang pagsabog ng bulkang Taal.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,892 total views

 29,892 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,548 total views

 44,548 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,663 total views

 54,663 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,240 total views

 64,240 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,229 total views

 84,229 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maling pamamahayag ng isang TV station, pinuna ng CBCP President

 22,119 total views

 22,119 total views Pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maling pamamahayag ng isang media outlet kaugnay sa naganap na tension sa pagsasagawa sana ng transition sa pamunuan ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo, Maynila noong ika-4 ng Hunyo, 2024. Sa personal na Facebook

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 30,857 total views

 30,857 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

 36,533 total views

 36,533 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island. Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Historical revisionism, pipigilan ng Martial Law Digital Library

 36,840 total views

 36,840 total views Naniniwala ang Ateneo Martial Law Museum na kinakailangang balikan ang kasaysayan ng bansa o mga nangyari sa nakaraan upang tumimo ang mga aral na hatid nito at maiwasang maulit sa kasalukuyang panahon. Ito ang ibinahagi ni Oliver John Quintana – coordinator ng Ateneo Martial Law Museum and Library sa programang Barangay Simbayanan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 34,938 total views

 34,938 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Kahalagahan ng digital communion, binigyan diin sa RCAM SOCOM lenten recollection

 37,570 total views

 37,570 total views Kahalagahan ng digital communion, binigyan diin sa RCAM SOCOM lenten recollection Nagkaloob ng Lenten Recollection ang Archdiocese of Manila Office of Communication para sa mga kinatawan ng social communications ministry ng bawat parokya sa buong arkidiyosesis. Pinangunahan ni Rev. Fr. Eric Castro – Team Ministry Moderator and Rector of National Shrine of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Committee on KontraBigay ng COMELEC, suportado ng PPCRV

 4,697 total views

 4,697 total views Nagpahayag ng suporta ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) na bagong Committee against Vote-Buying and Vote Selling. Ayon kay PPCRV Chairman Evelyn Singson, napapanahon ang naging hakbang ng COMELEC na pagtatatag ng Committee on KontraBigay upang tuluyan ng mawakasan ang talamak na vote buying

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

RISE program, sinuportahan ng CHR

 5,702 total views

 5,702 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa bagong programa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Corrections (BuCor) para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) o mga bilanggo. Suportado ng C-H-R ang Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) project na magbibigay ng pagkakataon sa mga bilanggo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

RMP, vindicated desisyon ng QC-RTC

 4,464 total views

 4,464 total views Paiigtingin ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) ang misyong paglingap sa pangangailangan ng mga mahihirap lalo sa mga liblib na lugar ng bansa. Ito ang opisyal na pahayag ng organisasyon kasunod ng pagbasura ng Quezon City Metropolitan Trial Court sa kasong perjury na isinampa ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon laban

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Manindigan, panawagan ng One Faith One Nation One Voice sa mamamayan

 4,116 total views

 4,116 total views Nanawagan ang One Faith One Nation One Voice sa mananampalataya na sa paggunita sa adbiyento at pasko ay pagnilayan ang maaaring magawa o maiambag sa bayan. Ayon sa grupo na ginagabayan ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, mahalagang gamiting pagkakataon ng bawat isa ang panahon ng adbiyento upang makaambag sa pagkamit ng hinahangad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Reyalidad sa naipong bangkay ng NBP inmates, ikinalulungkot ng CBCP

 5,541 total views

 5,541 total views Ikinalulungkot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang reyalidad na sinasalamin ng naipong labi ng mga bilanggo ng New Bilibid Prison. Ayon kay Rev. Fr. Nezelle Lirio – executive secretary ng kumisyon, nakababahala ang reyalidad ng kalagayan ng mga bilanggo na tuluyan ng pinabayaan at itinakwil ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-alala, pag-asa at pasasalamat, mensahe ng All Souls day

 3,710 total views

 3,710 total views Ang All Souls day ay paaala sa patuloy na koneksyon ng bawat isa sa mga namayapang kaibigan at mahal sa buhay. Ito ang mensahe ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa pinangunahang Banal na Misa para sa Paggunita sa mga Yumao sa Sto. Tomas de Villanueva Cemetery, Santolan, Pasig. Ayon sa Obispo na

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Manila North at Manila South cemeteries, isinara sa publiko

 4,925 total views

 4,925 total views Ipinag-utos ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pansamantalang pagsasara sa publiko ng Manila North at Manila South cemeteries ngayong araw ng Sabado, ika-29 ng Oktubre, 2022. Ang naturang hakbang ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ay bahagi ng pag-iingat ng lokal na pamahalaan sa publiko mula sa pananalasa ng bagyong Paeng kung saan kasalukuyang

Read More »
Uncategorized
Reyn Letran - Ibañez

ONE GODLY VOTE, maka-Diyos na paghalal sa mga lider ng bansa sa 2022 national election

 3,049 total views

 3,049 total views Ang eleksyon o halalan ay isang pambansang gawain na dapat seryosohin ng bawat mamamayan. Ito ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ang isa sa mga layunin at nais bigyang-diin ng nakatakdang ilunsad na election campaign ng Archdiocese of Manila na tinaguriang “1 Godly Vote”. Pagbabahagi

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Samahan sa Hesus patungo sa Herusalem, paanyaya ni Cardinal Tagle ngayong Kuwaresma

 2,221 total views

 2,221 total views Ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco para sa panahon ng Kuwaresma ay isang paanyaya upang samahan si Hesus sa kanyang paglalakbay patungo sa Herusalem. Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Pontificio Collegio Filipino sa Roma kaugnay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top