332 total views
Iginiit ng Kanyang Kabanalan Francisco na dapat paigtingin ang pag-uusap sa Myanmar upang mawakasan na ang karahasan sa lugar.
Sa mensahe ng Santo Papa sa lingguhang general audience sinabi nitong dapat mangibabaw ang dayalogo tungo sa pagkakaisa at kapayapaan.
“I would like to draw the attention of the authorities involved to the fact that dialogue prevails over repression and harmony over discord,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Ikinalungkot ng Santo Papa ang marahas na pagtugon ng mga pulis at militar sa nagsagawa ng kilos protesta kung saan sa ulat ng United Nations halos 50 katao na ang nasawi habang marami naman ang nasugatan.
Panawagan ng mamamayan ng Myanmar ang paglaya nina Aung San Suu Kyi ang halal na lider ng bansa at mga kasamahang inaresto ng militar dahil sa alegasyon ng pandaraya.
Sa kabila ng alegasyong dayaan sa landslide victory ng National League for Democracy nanindigan ang election commission ng Myanmar na patas at makatarungan ang nagdaang halalan noong Nobyembre.
Apela ni Pope Francis sa mamamayan na ipagpatuloy ang pananalangin sa hangarin ng Myanmar na makamit ang kapayapaan at higit na manaig ang pagpapatawad at pagkakaisa ng lipunan.
” I also appeal to the international community to ensure that the aspirations of the people of Myanmar are not stifled by violence. May the young people of that beloved land be granted the hope of a future where hatred and injustice make way for encounter and reconciliation,” dagdag pa ni Pope Francis.
Una na ring nanawagan ang migrants ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kahinahunan sa mahigit isanlibong Filipinong nasa Myanmar sa kabila ng nangyaring kaguluhan kasabay ng paalalang pag-iingat upang manatiling ligtas sa anumang karahasan.