371 total views
Hiling ng Santo Papa Francisco ang pagkakaisa ng mamamayan ng Iraq.
Ito ang layunin ng pinunong pastol ng simbahang katolika sa nakatakdang pagbisita sa Iraq sa Marso 5 hanggang 8.
Hinimok nito ang lahat ng religious leaders sa bansa na palakasin ang ugnayan upang tunay na makamtan ang pagbubuklod-buklod ng mamamayan.
“Together with the other religious leaders, we shall also take another step forward in brotherhood among believers,” mensahe ni Pope Francis.
Pagdating ng Santo Papa sa Iraq ay gaganapin ang welcome ceremony sa Presidential Palace sa Baghdad na susundan ng pagpupulong nina Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi.
Makipagpulong din si Pope Francis kay Iraq President Barham Salih, sa mga lider ng iba’t ibang sektor, mga obispo, pari, relihiyoso, katekista na gaganapin sa Syro-Catholic Cathedral ng Our Lady of Salvation sa Baghdad.
Bibisitahin din ng Santo Papa si Grand Ayatollah Sistani, ang kilalang Iraqi Shia marja sa Najuf, pakikipagpulong sa Interreligious leaders sa Ur at pagdiriwang ng banal na misa sa Chaldean Cathedral ng Saint Joseph.
Dadalawin din ni Pope Francis ang pangulo at prime minister ng Erbil autonomous region, mag-alay ng panalangin sa mga biktima ng digmaan sa Hosh al-Bieaa sa Mosul at sa Qaraqosh community.
Mahigit dalawang dekada ng naghintay ang kalahating milyong katoliko ng Iraq sa pagdalaw ng Santo Papa makaraang ipinagpaliban ng pangulo ng Iraq ang pagdalaw noon ni St. John Paul II dahil sa digmaan.
“For a long time I have wanted to meet those people who have suffered so much; to meet that martyred Church in the land of Abraham,” giit ng Santo Papa.
Hiling ni Pope Francis sa mananampalataya ang panalangin para sa nakatakdang apostolic visit na nawa’y magbunga ito ng pagkakaisa, kapayapaan at higit na maipalaganap ang pagmamahalan ng bawat mamamayan