166 total views
Marso na naman. Kadalasan, ang buwan na ito ay panahon ng pagtatapos ng maraming Filipinong estudyante. Ayon sa ating nakagawian, ang Marso ay graduation month. Nabago man ng pandemya ang schedule ng maraming paaralan, pinapa-alala pa rin ng buwan na ito ang graduation. https://ched.gov.ph/higher-education-indicators-2019/
Noong schoolyear 2017-2018, umabot ng 751,310 ang bilang ng mga graduates ng ating bansa, base sa datos ng Commission on Higher Education (CHED). Kadalasan, ang mga course na kanilang kinuha ay Education, Business, Engineering, IT, at agro-forestry. Ayon din sa CHED, ang average tuition per unit para sa baccalaureate courses ay P214 sa mga state universities at colleges habang nasa P630 ito sa mga pribadong paaralan. Sa mga pribadong paaralan sa NCR, umaabot pa ito ng P1277 kada unit.
Medyo pricey o mahal ang pag-aaral sa ating bayan kapanalig. Worth it ba ito? Madali bang nakakahanap ng trabaho ang mga estudyante nating nagsisipagtapos?
Ayon sa Aspiring Minds, isang India-based employment solutions firm, isa lamang sa tatlong Filipino college graduates ang “employable.” Katumbas ito ng mga 65 percent ng ating graduates na hindi sapat ang kasanayan sa mga trabahong nais nilang makuha. Ang findings na ito ay tila sinususugan naman ng survey na Philippine Talent Map Initiative na nagsasabi na marami sa ating mga college graduates ay kulang pa sa mga foundational workplace skills. Sa isa nilang survey, 18,928 ng mga 90,000 respondents ay kailangan pa ng karagdagang training para maging employable. Katumbas ito ng tatlo sa sampung jobseekers, kapanalig, na kailangan pa ng dagdag na kasanayan.
Ang ganitong sitwasyon ay malaking hamon sa ating bayan, kapanalig, lalo pa’t pinadapa ng pandemya ang ating ekonomiya. Mas kailangan ng mga mamayan ng mga trabaho ngayon, kaya dapat, mabago natin ang ilang aspeto ng ating mga higher education institutions upang matiyak na ang kanilang mga graduates ay magiging employable agad.
Ilan sa mga dapat gawin ng ating lipunan ay ang pagsisigurado na nahuhulma ng ating mga paaralan ang reading comprehension, critical thinking, at communication skills ng mga bata. Malaki ang pagkukulang natin sa mga areas na ito kaya dapat natin itong tutukan. Kailangan din makasabay tayo sa mga inobasyon ng teknolohiya dahil maraming mga trabaho sa darating na panahon ang magiging kaugnay ng IT.
Kapanalig, ang kapalpakan sa paghahanda ng ating mga estudyante para sa “real world” ay isang malaking paglabag sa panlipunang katarungan. Ang kahihinatnan ng pagkakamaling ito ay dama hindi lamang ng pamilya ng nagtapos, kundi ng bayan. Ayon nga sa Mater et Magistra: A greater technical skill is required of the workers, and more exacting professional qualifications. Which means that they must be given more assistance and more free time in which to complete their vocational training as well as to carry out more fittingly their cultural, moral and religious education.
Sumainyo ang Katotohanan.