338 total views
Itinuring ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)na biyaya mula sa Panginoon ang nakatakdang pakikiisa ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino, ito rin ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Santo Papa sa mga Filipino.
“We have to glorify God for that holy and historic day, and be ever grateful to our Holy Father. The Holy Mass of our beloved Pope Francis in the Vatican in celebration of our 500 YoC is a great moment of God’s graces for our Overseas Filipino migrants. It is an overflowing blessing for us all, Filipinos and shows deep affection of our Holy Father to our country,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Kinumpirma ni Fr. Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Roma na pangungunahan ni Pope Francis ang banal na misa para sa 500 Years of Christianity ng Pilipinas sa Marso 14 ganap na alas 10 ng umaga sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.
Dahil ditto, hinikayat ni Bishop Santos na bahagi rin ng CBCP migrants ministry ang mga Overseas Filipino Workers sa Italy na makiisa sa pagdiriwang at palalimin ang uganayan sa Panginoon at ipagpatuloy ang pakikiisa sa misyon ng Panginoon.
“We, at CBCP EMCI, appeal to our OFWs in Italy to make use of this spiritual celebration as our missions to help and to heal, to be disciples of mercy and peace for one another; and from our country to the world,” dagdag ni Bishop Santos.
Kasama ni Pope Francis sa pagdiriwang sina Cardinal Luis Antonio Tagle ang Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at Cardinal Angelo de Donatis, ang Vicar ng Santo Papa sa Roma.
Inihayag ng Filipino Chaplaincy sa Roma na maaring makibahagi ang mga O-F-W sa livestream ng misa sapagkat limitado lamang sa 100 katao ang maaring makadalo sa St. Peter’s Basilica dahil na rin sa mga limitasyong dulot ng COVID-19 pandemic.
Tiniyak naman ni Fr. Gente na makatatanggap ng pagbabasbas mula kay Pope Francis ang lahat ng Filipino sa buong daigdig sapagkat susundan ang banal na misa ng tradisyunal na Angelus sa Vatican square.
Hiniling naman ni Bishop Santos sa kapwa Filipino na ipanalangin ang ikatatagumpay ng lahat ng gawain sa pagdiriwang ng kaloob na pananampalataya na tinanggap ng mga Filipino 500 taon ang nakalipas.