322 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang East Asian Conference Ministers at Justice Peace and Integrity of Creation Office ng Order of Friars Minor sa mamamayan ng Myanmar na patuloy na naiipit sa nagaganap na political crisis sa bansa.
Nakikiisa rin ang OFM-EAC sa panawagan ng paggalang sa karapatang pantao at demokrasya ng bansa sa pagpapalaya sa mga tunay na naihalal na mga opisyal ng bayan at mga nakibahagi sa serye ng protesta na dinakip ng puwersa ng pamahalaan.
Sa ibinahaging Solidarity Statement ni Order of Friars Minor o Franciscans Justice, Peace, and Integrity of Creation Vice Director Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM ay umaasa rin ang kongregasyon na magkaroon ng mapayapang pagtatapos ang kaguluhan na nagsimula ng magkudeta ang Tatmadaw o ang mga militar sa bansa noong unang araw ng Pebrero.
“We join the Myanmar people in their struggle for self-determination under a duly elected government. We are united with them in demanding for a peaceful resolution to the military take-over. We are with them in calling for the release of the democratically elected officials of government, of activists, and of the youth. We stand with them in their bid to defend human dignity and human rights.” bahagi ng solidarity statement ng OFM-EAC.
Umapela naman ang kongregasyon sa militar na higit na bigyang halaga ang karapatan at demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng mapayapang pakikipagdayalogo.
Muli namang ipinaalala ng OFM-EAC na pananalangin ang isang mahalagang sandata ng bawat isa upang hingin ang paggabay ng Panginoon para sa muling pagbabalik ng katarungan at kapayapaan sa gitna ng hindi pagkakaunawaan at kaguluhan.
“We implore the Tatmadaw: Behold your sisters and brothers. Behold the long-suffering Myanmar, victims of colonial greed, of oppression, of anger. Let us stop our hunger for blood. Let us desist from letting hatred reign in our hearts. Let us call upon the Lord, who promised to be near his people, so that justice and peace may reign in Myanmar, and the long overdue of reconciliation may begin.” Dagdag pa ng OFM-EAC.
Una na ring binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na dapat na paigtingin ang pag-uusap o pagkakaroon ng dayalogo sa Myanmar upang mawakasan na ang kaguluhan at hindi pagkakaunwaan sa bansa.