460 total views
Tinukoy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pamilya na unang daluyan ng biyaya mula sa Panginoon at katuwang ng simbahan sa paghubog ng mga kabataan.
Ito ang binigyang diin sa pastoral statement na inilabas ng CBCP sa pagdiriwang ng ikalimang taon ng Amoris Laetitia ni Pope Francis.
Ayon kay CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, mahalagang mapalakas ang bawat pamilya upang mapagtagumpayan ang hamong kinakaharap dulot ng coronavirus pandemic.
“Our Christian faith encourages us to hope and to sacrifice all the more so that our families and communities may live and thrive in “a free nation, nurturing a civilization of life and love”.We, Filipino Catholics, continue to hold that “The family is meant by God to be the first school of discipleship where the parents are the first catechists of their children” and “the first school of evangelization where the members learn to share with others the grace and light of Christ,” bahagi ng pahayag ng CBCP.
Idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Year of Amoris Laetitia mula Marso 19, 2021 hanggang Hunyo 22, 2022 upang gunitain ang anibersaryo ng pagkalathala nito.
Layunin nitong maipalaganap ang nilalaman ng Apostolic Exhortation Amoris Laetitia na magpapalakas ng samahan ng bawat pamilya, ihayag sa pamayanan na sagrado ang sakramento ng pag-iisang dibdib, hikayatin ang mga pamilya na maging aktibong kasapi ng family apostolate, bigyang kamalayan ang kabataan sa kahalagahan ng paghuhubog ng tunay na pag-ibig, at palawakin ang layunin ng family apostolate.
Bukod dito, itinalaga rin ng CBCP ang bawat pamilya sa pangangalaga ng Mahal na Birhen lalo ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang 500 years of christianity.
“In gratitude to all who responded heroically to the Holy Spirit’s impetus to share the Gospel with us, we, the pueblo amante de María, consecrate our families and our nation to the Blessed Virgin Mary, Mother of God and Mother of the Church, and to St. Joseph, Guardian of the Redeemer, Patron of Workers and Patron of the Catholic Church,” dagdag pa ng pastoral statement.