616 total views
Ang pananampalataya ang haligi para sa pagkakaroon ng matatag na pamilya.
Inihayag ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect of the Congregation of the Evangelization of Peoples na isinabuhay ito ni San Jose ng tanggapin ang misyon ng Panginoon na magsilbing katuwang ng Mahal na Birheng Maria sa pagpapalaki, pangangalaga at paghuhubog kay Hesus.
Sinabi ng Kardinal na mahalaga ang pagiging huwaran ni San Jose sa pagkakaroon ng malalim na pananampalataya at pagtitiwala sa kaloob ng Panginoon upang magkaroon ng matatag na pamilya.
“In Saint Joseph we see the role of faith, the role of being open to God, being sensitive to God’s indications, the capacity of course given by God to discern God’s will and to act on what God wants him to do for the family. It is not enough to plan for the family in terms of budget housing, where will we send our children to school etc. they are all good but in Saint Joseph we see that faith is a pillar of a family that God wish us to form.” pagninilay ni Cardinal Tagle kaugnay sa Kapistahan ni San Jose.
Patuloy na hinikayat ng Cardinal ang mananampalataya na higit pang palalimin ang pagkilala kay San Jose at gawing huwaran sa paggunita sa idineklarang Year of Amoris Laetitia Family ni Pope Francis kasabay ng ika-5 anibersaryo ng kanyang Apostolic Exhortation on the Family na ‘The Joy of Love’.
Umaasa din si Cardinal Tagle na bukod sa mga mananampalataya ay gawin ring huwaran ng mga lingkod ng Simbahan si San Jose para sa mabuting pangangalaga ng kanilang mga parokya at diyosesis bilang kanilang mga pamilya.
“Pope Francis declared this year starting last December up to December of this year as the Year of Saint Joseph inviting us to rediscover his spirit especially his being the father here on earth of the son of God. This year also marks the 5th anniversary of Amoris Laetitia the Apostolic Exhortation on the Family ‘The Joy of Love’, the family is good news the family is not bad news and so the Year of Saint Joseph and also the celebration of family as Gospel, as good news coincide, learning from Saint Joseph how to value the family, how to take care of the family and for our brother priests and bishops the parish, the diocese as a family of God also.”pahayag ni Cardinal Tagle.
Binigyang diin ng Cardinal na mahalaga ang magkasabay na paggunita ng Simbahan sa Year of Saint Joseph at Year of Amoris Laetitia Family dahil nagsilbing huwarang asawa at ama ni San Jose para kay Hesus at Maria.
Ayon kay Cardinal Tagle, mahalaga ang papel na ginagampanan ni San Jose sa pagsasakatuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sanlibutan.