353 total views
Nagpapahinga ang Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of People makaraang sumailalim sa ‘eye treatment.’
Ayon kay Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filippino nagkaroon ng punit ang retina ng kaliwang mata ng Cardinal kaya’t agad itong kumonsulta sa kanyang doktor sa Roma.
Tiniyak pa rin ng Cardinal ang pakikiisa sa mga gawain ngayong Mahal na Araw. “He [Cardinal Tagle] needs to rest for a few days to avoid too much head movement.
For this reason he will see to what extent he would participate in our online Easter Triduum services,” mensahe ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.
Tiniyak naman ni Fr. Gaston na sa kabila nito ay hindi humihingi ng anumang donasyon si Cardinal Tagle para sa pagpapagamot ng kanyang mata taliwas sa lumabas na scam message kamakailan gamit ang account ng pinsan ng Cardinal.
“Given the recent scam asking money for his supposed hospitalization in Cavite, Philippines (which never took place, as he even met Pope Francis at the Vatican then), Card. Tagle says that he has not asked anyone to solicit funds for his eye treatment,” dagdag pa ng pari.
Nagpasalamat naman si Cardinal Tagle sa bawat isa na patuloy nananalangin para sa kanyang kalusugan kasabay ng pagtiyak na pagdarasal sa bawat mananampalataya.