210 total views
Nararapat lamang na hirangin bilang Santo si Blessed Mother Teresa ng Calcutta, dahil sa ipinamalas niyang kakaibang pagtulong at pagdamay sa kapwa lalo na sa mahihirap at sa mga maysakit.
Ayon kay Diocese of Laoag Bishop Renato Mayugba, ang kanonisasyon ni Blessed Mother Teresa sa September 4, 2016 ni Pope Francis sa Vatican ay pormalidad na lamang dahil matagal na itong Santo sa puso ng marami lalo na ng mahihirap.
“In a few days Pope Francis is going to canonize Blessed Teresa of Calcutta. Sa puso at maraming nakakakilala kay Saint Teresa way back noong buhay pa siya kaya nga siya the’Living Saint’ tawag sa kanya, kitang-kita at damang-dama mo yung kanyang Saintliness is so evident parang di mo maitatwa. ‘Yung declaration is only affirming what we have always believed she was, yung canonization by the Church is only putting on icing lang on a reality that has always been believed. Lahat more convinced on her sanctity, she saw Christ in all. Maging Katoliko, Muslim, Kristiyano, basta tao, yung talagang she recognized God in everything and in every person, particularly sa the poorest of the poor kaya hinahangaan natin siya,” pahayag ni Bishop Mayugba sa panayam ng Radyo Veritas.
Umaasa naman ang obispo na magkaroon tayo ng gaya ng puso ni Blessed Mother Teresa na matulungin sa kapwa lalo na sa mahihirap.
“We pray magkaroon din tayo ng ganong puso hindi lang pananaw kundi aksyon , we pray that Saint Teresa of Calcutta may all inspired us to action for the poor especially the poorest of the poor,” ayon pa sa obispo.
Kilala si Mother Teresa noong nabubuhay ito na “The Living Saint” dahil sa kanyang paglilingkod sa mga maysakit lalo na yung mga may malalang karamdaman sa mga mahihirap na bansa at siya ang founder ng Missionaries of Charity na kanyang sinimulan noong 1950 na pinamamahalaan ngayon ng 4,500 mga madre sa iba’t ibang mga bansa.
Nabiyatipikahan si Mother Teresa noong 2003 at nakatakdang maging santo dahil sa mga himala ng pagpapagaling niya sa mga maysakit.