354 total views
Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na mahalaga ang mensaheng hatid ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus lalo na ngayong panahon ng pandemya na nagdudulot ng iba’t ibang pagsubok para sa bawat isa.
Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo – chairman ng komisyon, ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ay isang katibayan sa pagtatagumpay ng kabutihan at pagmamahal ng Panginoon para sa sangkatauhan na masasaksihan rin sa pagsasakripisyo ng marami ngayong panahon ng pandemya.
Paliwanag ng Obispo sa kanyang Easter message, tulad ni Hesus marami rin sa kasalukuyang panahon ang buong pusong handang ialay ang kanilang sariling buhay para sa kapwa at sa iba pang mga nangangailan.
Partikular na kinilala ni Bishop Pabillo ang pagsusumikap at pagsasakripisyo ng mga medical frontliners, mga manggagawa at mga miyembro ng pamilya na sa kabila ng banta ng kapahamakan ay hindi nag-aatubili na unahin ang kapakanan ng kanilang kapwa at mga mahal sa buhay.
“Easter is the assurance of victory. Any act of love and sacrifice for others will bring new life. We need this message in our time when so many acts of love, service to others, and prayers are being offered. We witness this among our medical front liners who are tired, in danger and not adequately compensated. We see this among family members who comfort and serve those of their families who are sick. We admire the daily wage earners who continue to work, putting themselves to daily risk, to support their families.” Ang bahagi ng Easter Message ni Bishop Broderick Pabillo.
Pagbabahagi pa ng Obispo, ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay isa ding kongkretong mensahe ng pag-asa at pag-ibig ng Panginoon para sa bawat isa sa pamamagitan ng pagsasakatuparan sa kanyang pangakong kaligtasan para sa sangkatauhan.
“Jesus is the guarantee that a new and better day is coming. Let us not lose hope. We continue to strive because we know, with God’s help, that we shall overcome. Praise God who gives us victory over death, over sickness, over evil. This is the real meaning of Easter.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Inaanyayahan naman ng Obispo ang bawat mananampalataya na sa pagsisimula ng pagdiriwang para sa 500 Years of Christianity in the Philippines ay buong pusong tanggapin at ibahagi ng mga Filipino sa kapwa ang biyaya ng pananampalataya na ipinagkaloob sa bansa limang daang taon na ang nakakalipas.
Ito ayon kay Bishop Pabillo ang isang tungkuling dapat gampanan ng bawat binyagan bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon para sa sangkatauhan.
“we open the 500th anniversary of the gift of the Christian faith to our country. We humbly accept this gift and in gratitude we will generously share this faith to others. We are gifted to give. Together with the disciples we enthusiastically share with others: “We have seen the Lord.”” Paliwanag ni Bishop Pabillo.