Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 344 total views

Mga Kapanalig, dalawang linggo na ang nakalipas nang isang lider-manggagawa sa Canlubang, Laguna ang walang habas na pinaulanan ng bala. Siya si Dandy Miguel, ang karagdagan sa napakahabang listahan ng mga aktibistang pinatay.

Ayon sa human rights group na Karapatan, nasa 30 aktibista sa Timog Katagalugan ang napapatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa tala naman ng Commission on Human Rights o CHR, mayroon nang 130 aktibista ang napapatay mula nang manungkulan si Pangulong Duterte hanggang noong ika-7 ng Marso na tinaguriang “Bloody Sunday” kung saan siyam na aktibista ang napatay sa sabay-sabay na operasyon ng kapulisan laban daw sa mga komunista sa iba’t ibang probinsya sa Timog Katagalugan. Karamihan sa mga aktibistang napatay sa “Bloody Sunday” ay mga kasamahan ni Dandy Miguel sa pakikibaka. Sa katunayan, katuwang si Dandy Miguel ng mga naulilang pamilya ng mga biktima ng “Bloody Sunday” sa pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis. Ngunit matapos ang madugong pangyayari noong ika-28 ng Marso, kasama na siya sa ipapanawagan ng hustisya.

“Sahod, trabaho, karapatan, ipaglaban.” Ito ang panawagan ni Dandy sa damit na kanyang suot nang pinaslang siya. Balot man ng dugo, hindi maikakaila ang maigting niyang hangarin na isulong ang karapatan ng mga manggagawa. Miyembro si Dandy ng mga samahang nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan kung saan gawain niyang mag-document ng iba’t ibang porma ng labor rights violations sa mga industrial zones sa rehiyon. Boses siya sa panawagang itaas ang minimum wage at tapusin ang “endo” o kontraktwalisasyon. Lider din siya ng unyon ng mga manggagawa sa Fuji Electric Company sa Laguna kung saan pinangunahan niya ang negosasyon sa pamunuan ng kumpanya upang magkaroon ng health and safety measures ang mga manggagawa sa kasagsagan ng pandemya. Matagumpay din nilang naisulong ang collective bargaining agreement sa kumpanya upang madagdagan ang minimum wage ng mga manggagawa ng ₱40 noong 2020 at ngayong 2021, at ₱50 sa 2022.

Sa kasamaang palad, hindi na maipagpapatuloy ni Dandy ang lahat ng gawaing ito. Nawalan hindi lamang ang kanyang pamilya ng isang kaanak kundi pati ang maraming manggagawang umaaasa kay Dandy.

“Huwag kang papatay.” Paulit-ulit na nating naririnig ang paalalang ito mula sa Exodo 20:13, ngunit tila naging manhid na ang ating bayan sa panaghoy na ito. Malinaw ang mga turo ng Simbahan sa kasagraduhan ng buhay ng tao. Ang bawat isa ay nilalang na kawangis ng Diyos at ito ay nakatuntong sa walang maliw Niyang pag-ibig sa atin. Hindi kailanman magiging tamang pumaslang ng tao, anuman ang paniniwala o ipinaglalaban nila sa buhay.

Si Dandy, bilang lider ng mga samahan at unyong-manggagawa, ay bahagi ng mahalagang misyon ng Simbahan para sa isang makatarungang buhay-paggawa. Naninindigan ang mga panlipunang turo ng Simbahan na ang mga unyon o anumang porma ng mapayapang sama-samang pagkilos upang maisulong ang karapatan ng mga manggagawa ay mahalagang parte ng pagtatayugod ng katarungang panlipunan. Ang ambag ng mga unyon at lider-manggagawa ay mahalaga sa pagpapanday natin ng isang mas makatao at maka-Diyos na lipunan. Tulad nga ng sabi ni Pope Francis, “walang mabuting lipunan kung walang mabubuting unyon.”

Mga Kapanalig, ang pakikibahagi sa mga unyon o mga samahang nagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa ay isang porma ng aktibismo, hindi terorismo. Marami sa mga karapatan natin ngayon ay nakamit natin dahil sa pagpupunyagi ng mga aktibista. Ang pagpatay sa kanila ay isang tahasang pagyurak sa dignidad ng tao. Ito rin ay pagkakait ng pagkakataong maipanawagan ang mga karapatang ipinagdadamot ng mga kasalukuyang istruktura ng lipunan sa mga naisasantabi sa lipunan. Sa patuloy na pagdanak ng dugo ng mga aktibista, nawa’y piliin nating maging boses nila.

Sumainyo ang katotohanan.

 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,039 total views

 23,039 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 37,695 total views

 37,695 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,810 total views

 47,810 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 57,387 total views

 57,387 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,376 total views

 77,376 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 23,040 total views

 23,040 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,503 total views

 2,503 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 37,696 total views

 37,696 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,811 total views

 47,811 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 57,388 total views

 57,388 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,377 total views

 77,377 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,024 total views

 48,024 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,049 total views

 43,049 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,618 total views

 46,618 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,073 total views

 59,073 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,140 total views

 70,140 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,459 total views

 76,459 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,070 total views

 81,070 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,630 total views

 82,630 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,191 total views

 48,191 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top